Yorme Aaron Sunga, labis ang tuwa sa regalo ni Vice Ganda para sa kanya

Yorme Aaron Sunga, labis ang tuwa sa regalo ni Vice Ganda para sa kanya

- Tinupad ni Vice Ganda ang hiniling na laruan ni Yorme Aaron Sunga

- Matatandaang nabanggit ng child star na gusto niyang magkaroon ng laruang sasakyan

- Sinabi naman ng TV host na ibibigay niya ang hiling ni Yorme dahil natuwa ito sa kanya

- Marami ang naantig nang yakapin ni Yorme si Vice bilang pasasalamat dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa Mini Miss U segment ng It's Showtime, ibinigay ni Vice Ganda ang hinihiling na laruan ni Yorme Aaron Sunga. Matatandaang nabanggit ng child star na gusto niya ng laruang sasakyan.

Napatalon si Yorme nang ipasok ng staff ng noontime show ang laruan na binili ni Vice Ganda para sa kanya. Sa kanyang galak ay agad niya itong sinakyan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos masubukang sakyan ang laruan, muli siyang tinawag ni Vice Ganda. Pinasalamatan niya si Vice at gayundin ay nagpasalamat ang TV host sa kanya dahil sa pagbibigay saya nito sa kanya at sa mga taong nanonood ng kanilang show. Marami ang naantig nang yakapin ni Yorme si Vice bilang pasasalamat dito.

Sumikat si Aaron Sunga dahil sa pagviral ng kanyang video kung saan nakita ang kanyang kabibohan. Matapos mag-viral, naimbitahan siya sa TV show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice kung saan nakasama niya ang Yorme ng Maynila na si Isko Moreno.

Sa naunang ulat ng KAMI, kinagiliwan ng netizens ang reaksiyon ni Yorme nang makatanggap siya ng regalo mula kay Zsa Zsa Padilla.

POPULAR: Read more about entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Carla Abellana is set to do drama series again. The Kapuso star revealed that she felt nervous with this comeback as she's been only doing romantic comedy series for the past three years! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel