Anne Curtis, humirit ng 'take 2' sa kanyang performance sa pagbabalik It's Showtime

Anne Curtis, humirit ng 'take 2' sa kanyang performance sa pagbabalik It's Showtime

- Napahirit ng take 2 si Anne Curtis sa pagsisimula ng kanyang performance sa It's Showtime

- Makalipas ang dalawa at kalahating taon, muli siyang nagbabalik bilang isa s amga It's Showtime host

- Matatandaang pansamantala siyang nawala sa progama dahil sa panganganak kay Baby Dahlia na sinundan naman ng kasagsagan ng pandemya

- Aminado mang nanibago sa bagong set-up ng programa, masaya naman umano siyang nakabalik

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila kabado at nangangapa pa si Anne Curtis sa muling pagbabalik niya sa It's Showtime ngayong Mayo 28.

Anne Curtis, humirit ng 'take 2' sa kanyang performance sa pagbabalik It's Showtime
Anne Curtis (It's Showtime)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napahirit pa umano siya ng take 2 sa pagsisimula ng kanyang performance sa noontime show.

"Wait lang, isa pa... Isa pa! Kinakabahan ako... Again!"
"Super Kaba... I'm so happy that my Showtime family, they're so supportive. Lalo na kasi 'yung banter, ang tagal ko nang hindi nagawa 'yon. Inaalalayan naman nila ako."

Read also

VP-elect Sara Duterte, sinamahan ang isang estudyante sa moving-up ceremony nito

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aminadong nanibago sa bagong set-up ng kanilang programa lalo na at wala umanong 'madlang people' sa studio tulad ng dati.

Aniya, ipinangako niya talaga sa kanyang It's Showtime family na magbabalik siya sa programa.

"I promised my Showtime family that I would be back so I am staying true to my word that I would come back"

Dahil dito, nag-trending sa Twitter ang masayang pagsalubong sa kanya ng kanyang It's Showtime family.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni MJ Felipe ng TV Patrol:

Si Anne Curtis ay isang Filipina actress, model at host ng noontime show na It's Showtime. Pansamantala niyang iniwan ang nasabing programa nang isilang niya ang anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amélie noong 2020.

Matatandaang napahinga si Anne sa It's Showtime matapos na isilang nito ang kanyang anak na si Dahlia na sinundan naman ng mga quarantine at lockdown dahil sa pandemya.

Read also

Ogie Diaz, kinumpirmang si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano

Bukod sa pagbabalik sa It's Showtime, abala rin ngayon si Anne sa paghahanda sa kanyang nalalapit na concert na Luv-Anne, The Comeback nagaganapin sa June 11 sa Resorts World.

Kabi-kabila na ang kanyang rehearsals at promotion na lalong nakapagbigay ng excitement sa kanyang mga fans na matagal din siyang hinintay na mapanood muli.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel