Anne Curtis, present sa Makati rally ng Leni-Kiko tandem; kumanta ng 'Hawak Kamay'
- Nasurpresa ang 'madlang pipol' nang muling mapanood na magtanghal si Anne Curtis
- Isa si Anne sa mga kilalang personalidad na sumama sa huling araw ng kampanya bago ang Halalan sa Mayo 9
- Kasama niyang kumanta ng 'Hawak Kamay' si Yeng Constantino entablado ng Miting de Avance ng 'Leni-Kiko tandem'
- Bukod kay Anne, naroon din si Vice Ganda na kumanta ng Rosas kasama si Nica Del Rosario habang nasa entablado pa si VP Leni Robredo at nakiki-sing along sa kanila
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa sa mga surpresa sa huling araw ng kampanya ng Leni-Kiko tandem ang It's Showtime host at tinaguriang 'Dyosa' na si Anne Curtis.
Nalaman ng KAMI na bagama't noon pa man ay nagpahayag ng suporta si Anne Curtis sa kandidatura ni VP Leni Robredo sa pagka-pangulo, nakiisa na rin ito huling Miting de Avance na ginanap sa Makati City ngayong Mayo 7.
Marami ang nagulat nang biglang lumabas si Anne sa entablado habang kumakanta na rin si Yeng Constantino ng awitin niyang 'Hawak Kamay.'
"What's Up Madlang Pipol! Ang tagal-tagal ko nang hindi sinabi 'yun but I'm here tonight. At grabe ramdam na ramdam ko po 'yung energy ng lahat ng tao ngayong gabi. Mula pagpasok ko, kitang-kita ko ang lahat ng volunteers talaga kahit saan-saan. Kaya nandito po ako, dahil gusto ko ring makiisa sa inyo para sa bayan. At kaya rin po ako nandito, dahil tulad ninyo, punong-puno po 'yung puso ko ng pag-asa. Pag-asa na nakikita ko, sa lahat ng mukha na nadito po ngayon," pahayag ni Anne matapos ang song number nila ni Yeng.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang kabuuan ng mga kaganapan na ibinahagi rin ng Inquirer.net:
Si Anne Curtis ay isang Filipina actress, model at host ng noontime show na It's Showtime. Pansamantala niyang iniwan ang nasabing programa nang isilang niya ang anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amélie noong 2020.
Samantala, isa si Anne sa mga nagpahayag ng kanyang suporta kay VP Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo 9.
Source: KAMI.com.gh