Vice Ganda, kinanta ang 'Rosas'; VP Leni, naki-sing along

Vice Ganda, kinanta ang 'Rosas'; VP Leni, naki-sing along

- Ginulat ni Vice Ganda ang 'madlang pipol' nang kantahin niya ang Rosas kasama si Nica Del Rosario

- Ito ang ikatlong pagkakataon na sumampa ng entablado si Vice Ganda ng campaign tally ni VP Leni Robredo

- Subalit ito ang unang pagkakataon na kinanta ni Vice ang Rosas at mapapansing nakiki-sing along si VP Leni sa kanila

- Pumalo sa 780,000 ang bilang ng mga nagsidalo, hindi pa man natatapos ang pagtitipon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nasurpresa ang mga 'Kakampink' at mga 'Madlang PinkPol' sa Miting de Avance sa Makati City nang biglang lumabas muli sa entablado ng 'Leni-Kiko tandem' rally si Vice Ganda.

Vice Ganda, kinanta ang 'Rosas'; VP Leni, naki-sing along
Vice Ganda, VP Leni Robredo at Nica Del Rosario (Photo: Robredo People's Council)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kinanta ni Vice ang 'Rosas' kasama ang orihinal na umawit at nagsulat nito na si Nica Del Rosario.

Matatandaang ito ang ikatlong pagkakataon na nakiisa si Vice sa kampanya ni VP Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo para sa nalalapit na Halalan sa Mayo 9.

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Mapapansin ding nakiki-sing along si VP Leni sa awiting tila kinakanta talaga niya sa taumbayan na sinasabing unang pagkakataong ginawa ito ng bise presidente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maliban kay Vice, nakiisa rin sina Iza Calzado, Jane De Leon, Anne Curtis at maging si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Gayundin ang mga kilalang personalidad na madalas na mapanood sa mga campaign rally ni VP Leni mula pa man nang magsimula ito noong Pebrero 8.

Pumalo sa 780,000 ang bilang ng mga 'Kakampink' na dumalo sa Makati rally na ito, hindi pa man natatapos ang nasabing pagtitipon.

Narito ang video ng emosyonal na awitin na ibinahagi rin ng Manila Bulletin:

Si Vice Ganda ay isang komedyante at TV host, at isang content creator kung saan pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Read also

Lola, napadalhan pa rin ng opisina ni VP Leni ng mga gamot halagang Php22,000

Gumawa ng ingay si Vice nang sabihin niyang taong 2020 pa pala nang ma-engage sila ni Ion Perez ngunit hindi nila ito isinapubliko maging ang kanilang kasalan na noong Oktubre 2021 pa pala naganap.

Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng ABS-CBN sa pagpapasara ng kanilang network, isa si Vice sa mga nanatili bilang isang Kapamilya.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, nakiisa si Vice Ganda sa campaign rally ng 'Leni-Kiko tandem' at tropang Angat. Sa mismong birthday rally ni VP Leni nitong Abril 23, itinaas niya ang kamay nito bilang pag-endorso at pagpapakita ng suporta sa kandidatura nito sa pagka-presidente.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica