Elijah Canlas, umaming sila na ni Miles Ocampo; "Last year pa po kami eh"

Elijah Canlas, umaming sila na ni Miles Ocampo; "Last year pa po kami eh"

- Umamin na si Elijah Canlas sa totoong estado ng kanilang relasyon ni Miles Ocampo

- Aminadong masaya sila ni Miles na noong nakaraang taon pa niya naging girlfriend

- Ayon kay Ogie Diaz, dini-deny pa umano noon ni Miles ang relasyon kaya't nagulat ito nang malamang noong 2021 pa nagkaroon ng relasyon ang dalawa

- Nakilala si Elijah sa BL series nitong Gameboys kasama si Kokoy de Santos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahang sinagot ng aktor na si Elijah Canlas ang tanong sa kanya ni Ogie Diaz kung sila nga nga ba ni Miles Ocampo.

Elijah Canlas, umaming sila na ni Miles Ocampo; "Last year pa po kami eh"
Elijah Canlas (Photo: Ogie Diaz)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na marami na umano ang nag-uusisa kung ano nga ba ang relasyon ng dalawa.

"Opo, kami na" pag-amin ni Elijah at sinabing iyon ang unang beses na inamin ng aktor ang estado ng relasyon nila ni Miles.

Read also

Ogie Diaz, kinumpirmang si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano

"Opo kami na. I mean, she's the best. Parang sobrang we're in a good place. we're very happy."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi raw kasi masyadong nagbabahagi ng larawan ang dalawa sa kani-kanilang social media at piniling maging pribado sa kanilang buhay pag-ibig.

Dagdag pa ni Elijah, noong nakaraang taon pa sila naging magkasintahan ni Miles na ikinagulat naman ni Ogie D.

"Naku si Miles ha, lagot 'yan sa'kin. Dini-Ddeny sakin ni Miles," ayon kay Ogie.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz mula sa YouTube channel nito:

Si Elijah Canlas ay isang aktor na nakilala sa BL series na Gameboys kasama si Kokoy De Santos.

Samantala, pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Kamakailan, isa sa mga natalakay sa kanyang YouTube channel ay ang mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na madalas na magkasama sa Amerika.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel