Ogie Diaz, kinumpirmang si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano

Ogie Diaz, kinumpirmang si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano

- Kinumpirma ni Ogie Diaz na si James Reid na ang bagong manager ni Liza Soberano

- Hanggang Mayo 31 ngayong taon na lamang umano ang kontrata ng aktres sa kanya

- Tinanong naman niya ito kung nais pang mag-renew ng kontrata sa kanya, subalit mismong si Liza na ang tumanggi sa maayos na paraan

- Ito ay may kaugnayan sa Hollywood dream ni Liza na nais niyang maisakatuparan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ni Ogie Diaz, na si James Reid na ang bagong manager ng kanyang naging alaga na si Liza Soberano.

Ogie Diaz, kinumpirmang si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano
James Reid at Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa bagong Showbiz Update ni Ogie D, binigyang linaw niya na hanggang May 31, 2022 na lamang ang kontrata nila ni Liza.

Aniya, ipinakilala na ng aktres ang bagong hahawak umano sa kanyang showbiz career.

Read also

Ogie Diaz bilang manager ni Liza Soberano: "Hanggang May 31, 2022 pa po"

"May bago na siyang management. 'Yun ay walang iba kundi ang team ni James Reid."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ni Ogie, unti-unti na niyang ipinapasa umano ang aktres sa bagong mag-aalaga sa kanya.

"Yes as a manager si James Reid," pagkumpirma ni Ogie D lalo na at madalas kamakailan na makitang magkasama sina Liza at James at kanilang grupo na inakala pa ng marami na umano'y may namamagitan sa dalawa.

"Kaya pansinin mo, magkasama sila sa gala. Hindi lang si James ang kasama ni Liza kundi 'yung mga kapartners nila. Kasi parang meron silang business group, kasama doon si Liza. At the same time, yun na rin ang maghahawak ng kanyang career"

Paglilinaw pa ni Ogie, ang grupong ito ni James ang hahawak ng career ni Liza dito sa Pilipinas at maging sa Amerika.

Read also

Sen. Grace Poe, isinulat ang initials na "JSP" sa puntod ng inang si Susan Roces

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Kamakailan, isa sa mga natalakay sa kanyang YouTube channel ay ang mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na madalas na magkasama sa Amerika.

Nilinaw niyang umalis ang dalawa kasama ang kanilang grupo at wala umanong katotohanan na naghiwalay na ang aktres kay Enrique Gil.

Matapos ito, nabanggit niya ang Hollywood dream ni Liza na tila unti-unti na nitong sinisimulan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel