Sen. Grace Poe, isinulat ang initials na "JSP" sa puntod ng inang si Susan Roces

Sen. Grace Poe, isinulat ang initials na "JSP" sa puntod ng inang si Susan Roces

- Naihatid na sa huling hantungan ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces

- Naisulat ng kanyang anak na si Senator Grace Poe ang initials na JSP sa puntod nito

- Ito ay habang hinihintay ang mismong lapida na magtatakip dito

- Si Susan Roces ay pumanaw sa edad na 80 dahil umano sa cardiopulmonary arrest

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naihatid na sa huling hantungan ang beteranang aktres na si Susan Roces ngayong Mayo 26 sa Heritage Memorial Park.

Sen. Grace Poe, isinulat ang initials na "JSP" sa puntod ng inang si Susan Roces
Photo: Senator Grace Poe
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng pagkakataong si Senator Grace na maiukit ang initials ng ina na "JSP" na ang ibig sabihin ay Jesusa Sonora Poe.

Mapapansing itinabi ang mga labi ni Susan sa puntod ng yumaong mister na si Fernando Poe Jr. na isang national artist for cinema.

Mayo 17 nang naisugod pa sa ospital ang namayapang beteranang aktres.

Read also

Bea Alonzo, pinakilig ang BeaDom fans sa binahagi niyang picture nilang dalawa

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Senator Grace Poe mismo ang nagkumpirma na ang ikinamatay ng kanyang ina ay ang cardio pulmonary arrest.

Simula nang magbukas sa publiko ang viewing ng burol ni Susan, dumagsa na ang iba't ibang kilalang pesonalidad, showbiz man o pulitika.

Hindi pa rin nawawala ang mga kaanak nito at mga mahal sa buhay na patuloy na dumaramay sa iniwan nitong pamilya.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa burol na ibinahagi sa Facebook page ni Senator Grace Poe:

Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Susan Roces, ay isang Filipina actress at producer. Maybahay siya ng yumaong beteranong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. Binansagan siyang "Queen of Philippine Movies" at nakagawa ng mahigit 130 na pelikula.

Read also

Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"

Nakilala rin siya bilang "Lola Flora" o "Lola Kap" sa FPJ: Ang Probinsyano, ang lola ng bidang si Coco Martin.

Matapos ang ilang taong pamamahinga sa pagsama sa taping ng Ang Probinsyano, nabigyan ng sandaling pagkakataon na makalabas muli sa serye si Roces.

Isa na nga rito ang emosyonal nitong eksena na ipinalabas bago matapos ang taon 2021.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel