Bea Alonzo, pinakilig ang BeaDom fans sa binahagi niyang picture nilang dalawa

Bea Alonzo, pinakilig ang BeaDom fans sa binahagi niyang picture nilang dalawa

- Kinakiligan ng mga BeaDom fans ang binahaging picture ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Ito umano ang panahong siya ang makeup artist ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque

- Marami sa mga netizens ang humiling na ipakita ni Bea ang kinalabasan ng kanyang pag-makeup kay Dominic

- Taong 2020 pa nang iugnay sina Bea at Dominic ngunit taong 2021 lamang nang hayagan nilang isinapubliko ang tungkol sa kanilang relasyon

Kilig overload para sa mga BeaDom fans ang binahaging picture ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post. Makikita si Dominic na nakaupo habang si Bea ay naglalagay ng makeup sa kanya.

Bea Alonzo, pinakilig ang BeaDom fans sa binahagi niyang picture nilang dalawa
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito umano ang panahong siya ang makeup artist ng kanyang boyfriend na si Dominic. Marami sa mga netizens ang humiling na ipakita ni Bea ang kinalabasan ng kanyang pag-makeup kay Dominic.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga kinilig na mga BeaDom fans:

Haha I wanna see the before and after! @beaalonzo @dominicroque. Sobrang cute nakakainis haha sana may vlog or before and after
Omg throwback ☺️ anong yr to ate bea? Hihi. Perfect couple! Whaaaaaa nakaka-Kiliggggg ng Malala..puso namen BeaDom asan na!
Tapos nakatingin si Dom sayo habang ginagawa mo 'yan. Ayyiiee! Alam ko na purpose ko sa earth. ang kiligin sa ibang relasyon!

Matatandaang taong 2020 pa nang iugnay sina Bea at Dominic ngunit taong 2021 lamang nang hayagan nilang isinapubliko ang tungkol sa kanilang relasyon.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres.

Matatandaang kamakailan ay masayang binahagi ni Bea Alonzo na nakabili siya ng apartment sa Madrid, Spain. Sa kanyang pagpunta doon kamakailan, tumingin umano siya sa mga apartment na pwede niyang pagpilian. Ito umano ang dahilan ng kanyang pagpunta kamakailan sa Spain. Sa kanyang ika-100 na video sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Bea na pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay sa Europe.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel