Ogie Diaz, nausisa ukol sa mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na magkasama

Ogie Diaz, nausisa ukol sa mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na magkasama

- Nausisa ni Mama Loi si Ogie Diaz patungkol sa mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na magkasama

- Kuha raw ito sa Amerika at mapapansing hindi kasama ni Liza ang nobyong si Enrique Gil

- Kaya naman tanong ng marami kung bakit magkahiwalay ang dalawa at kasama pa ni Liza si James

- May mahalagang inaasikaso si Liza sa Amerika na isa umano sa dahilan kung bakit ito naroon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging usap-usapan kamakailan ang mga larawan nina James Reid kasama ang aktres na si Liza Soberano.

Ogie Diaz, nausisa ukol sa mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na magkasama
Liza Soberano kasama ang nobyong si Enrique Gil (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naitanong ni Mama Loi kay Ogie Diaz sa kanilang Showbiz Update gayung si Ogie D ang manager ni Liza.

Sa mga larawang nakita online, wala si Enrique Gil at ang kasama ng Kapamilya actress at si James.

"So bakit magkahiwalay sila ngayon, hindi sila magkasama e di ba usually sa mga trip abroad, laging magkasama 'yung dalawa," ang pag-uusisa ni Mama Loi na nabanggit pang nasa Spain naman si Enrique.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Hindi ko pa nakakausap si Liza pero ang alam ko sila pa rin (ni Enrique). Dapat si Liza kasama sa Spain. Kaya lang May 8, umalis is Quen si Enrique kasama 'yung buong family. Dapat kasama dun si Liza. Kay alang nga, binook ni Mommy ng May 8, e gustong bumoto ni Liza ng May 9," paliwanag ni Ogie.

Dagdag pa ni Ogie, may inaasikaso si Liza sa Amerika na isa talaga sa gusto umanong gawin ni Liza.

"Ayaw ko lang idetalye Loi ha kasi baka sabihin nagmamahadera ako. May inaasikaso si Liza sa US. 'Yun yun. Kung anoman 'yung inaasikaso niya, e hayaan natin si Liza ang mag-announce. Kasi 'yun yung gustong gawin ni Liza e. Noon pa niya pangarap na gawin yun. So hayaan natin na siya ang mag-announce," ani Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanilang chikahan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Ang love team nina Liza Soberano at Enrique Gil ang isa sa mga patok na tambalan sa Showbiz.

Real-life couple din umano ang dalawa kaya naman mas lalo silang tinatangkilik ng kanilang mga fans.

Samantala, si Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter. Siya rin ang manager na nakatuklas ng ganda at talento ni Liza Soberano.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel