Ivana Alawi, inaming makailang beses nang naloko umano ng mga naging BF niya

Ivana Alawi, inaming makailang beses nang naloko umano ng mga naging BF niya

- Naikwento ni Ivana Alawi na makailang beses na siyang naloko ng kanyang mga naging nobyo

- Ang masaklap, siya pa umano ang gumagastos noon sa kanilang relasyon ngunit nagawa pa rin siyang lokohin

- Inakala niya kasing normal lang ang kanyang ginagawang paggastos para sa taong kanyang mahal

- Samantala, hiling naman ng kanyang kapatid na si Mona na makahanap ito ng lalaking para sa kanyang Ate Ivana na alam niyang magiging isang mabuting asawa at ina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapang na ibinahagi ni Ivana Alawi na makailang beses siyang naloko ng kanyang mga naging nobyo.

Ivana Alawi, inaming makailang beses nang naloko umano ng mga naging BF niya
Sina Ivana at Mona kasama si Dr. Vicki Belo (victoria_belo
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naitanong sa kanya ng celebrity doctor na si Vicki Belo.

Ayon kay Ivana, 17-anyos siya ng unang nagkaroon ng boyfriend. Subalit noon pa lang, inamin niyang siya ang gumagastos para sa kanila.

Read also

Donnalyn Bartolome, napilitang maglabas ng video para maipaliwanag ang kanyang panig

"Ako talaga, taga-gas, taga-date... lahat!" ayon kay Ivana. Inakala niyang normal lamang ang kanyang ginagawa para sa taong kanyang nakakarelasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman noong siya umano ay 19-anyos na, nagkaroon muli siya ng boyfriend kung saan siya parin umano ang gumagastos para sa kanilang date at maging pagasolina sa sasakyan nito.

"After graduation, bigla na lang siyang nawala. Galing ah! pinag-gas lang niya ako ng pinag-gas tas lahat ng ulam ako!"

Dahil dito, hiling ni Ivana na makatagpo siya ng lalaking hindi umano siya lolokohin.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag sa panayam sa kanya ni Dr. Vicki Belo sa kanyang YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 15 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Jessy Mendiola, binalikan ang mga panahong na-bash siya nang matindi

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Mula sa pagiging isang artista at vlogger, isa na rin siyang CEO ng sarili niyang business ang 'Ivana Skin'.

Sa ngayon, nagbabalik telebisyon si Ivana sa kanilang teleseryeng 'A Family Affair' kung saan ilan sa makakasama niya ay sina Sam Milby at Gerald Anderson.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel