Donnalyn Bartolome, napilitang maglabas ng video para maipaliwanag ang kanyang panig

Donnalyn Bartolome, napilitang maglabas ng video para maipaliwanag ang kanyang panig

- Ani Donnalyn, wala sana siyang balak na ilabas ang isang video clip na nasa kanya na sa loob ng isang taon

- Alam niya umanong makakatulong ang video para mas maipagtanggol niya ang sarili at para mas maintindihan ang kanyang panig

- Sa paglabas ng panibagong mga video ng content creator na si Jose Hallorina, minabuti ni Donnalyn na ilabas na lamang ang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Makikita sa video ang pag-uusap nila ng caregiver ng kanyang lola Josie kung saan sinasabi nito na mas gusto talaga ng kanyang lola na umalis ng bahay para makahingi siya ng limos dahil malaki umano ang kinikita niya dito

Ayon kay Donnalyn Bartolome, napilitan siyang ilabas ang isang video na isang taon na rin niyang tinago. Kahit alam niyang makakatulong sa kanya ang video upang maintindihan ang kanyang panig, hindi niya iyon nilabas noon.

Read also

Jessy Mendiola, binalikan ang mga panahong na-bash siya nang matindi

Donnalyn Bartolome, napilitang ilabas ang video clip para maipaliwanag ang kanyang panig
Donnalyn Bartolome, napilitang ilabas ang video clip para maipaliwanag ang kanyang panig (@donna)
Source: Instagram

Ani Donnalyn, hindi niya ugali na magpaawa kaya hindi niya noon nilabas ang video. Gayunpaman matapos ang muling paglabas ng video ni Jose Hallorina, minabuti niyang ilabas ang video ng naging pag-uusap nila ng caregiver ng kanyang lola Josie kung saan sinasabi nito na mas gusto talaga ng kanyang lola na umalis ng bahay para makahingi siya ng limos dahil malaki umano ang kinikita niya dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Kamakailan ay muling nag-viral ang isang post ni Donnalyn kung saan binahagi niya sa Facebook ang picture ni Skusta Clee. Si Skusta Clee ang ex-boyfriend ng malapit niyang kaibigang si Zeinab Harake. Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito. Matapos bumaha ng bagong komento ang kanyang lumang post, burado na ang unang caption na nakalagay.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang virtual tour ang binahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang bagong YouTube video. Ito ay sa isang beach house na yari sa kahoy at kawayan at tinawag niya itong kubo mansion. Matapos niyang ibahagi ang iba't-ibang bahagi ng naturang property, ibinunyag niya na hindi sa kanya iyon. Aniya, nagbabakasyon lamang sila ng kanyang staff at nangangarap din daw siya na magkaroon ng ganoong property balang araw.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel