Jessy Mendiola, binalikan ang mga panahong na-bash siya nang matindi

Jessy Mendiola, binalikan ang mga panahong na-bash siya nang matindi

- Binahagi ni Jessy Mendiola ang isang video kung saan pinanood nila ng kanyang asawang si Luis Manzano ang ilan sa matuturing niyang kanyang "most embarrassing moments on TV"

- Kabilang sa kanilang pinanood ay ang kontrobersiyal na panayam kay Jessy noong panahong nakakatanggap siya ng matinding bashing

- Ani Jessy, noong mga panahong iyon, pakiramdam niya ay lahat ng tao ay ayaw sa kanya kaya kinailangan niyang magkunwaring malakas siya at hindi apektado sa mga bashers

- Gayunpaman, ani Jessy ganun ang nangyayari kapag hindi nagiging totoo sa sarili kaya aniya kung may babaguhin siya sa kanyang ginawa noon, iyon ay sana mas nagpakatotoo na lang siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binalikan ni Jessy Mendiola ang ilan sa mga maituturing niyang kanyang "most embarrassing moments on TV." Kabilang na dito ang kontrobersiyal na panayam sa kanya kung saan naghamon pa siya sa mga bashers.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagpasaring tungkol sa "panghihimasok sa pamilya"

Jessy Mendiola, binalikan ang mga panahong na-bash siya nang matindi
Jessy Mendiola, binalikan ang mga panahong na-bash siya nang matindi (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Aminado si Jessy na noong panahong iyon ay nagkunwari siyang matatag at hindi apektado sa bashers dahil pakiramdam niya ay ayaw sa kanya ng lahat ng tao.

Aniya kung may babaguhin siya sa tagpong iyon, sana umano ay nagpakatotoo na lang siya sa kanyang sarili.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Matapos isapubliko nina Luis at Jessy ang tungkol sa kanilang engagement, agad itong naging usap-usapan dahil sa mga espikulasyon at reaksiyon ng mga netizens. Kaya naman sa isang panayam ay nilinaw ng dalawa na Oktubre pa naganap ang proposal ni Luis.

Samantala, hindi pinalampas ni Jessy Mendiola ang isang Facebook post kung saan binahagi ang mga pictures ng ilang sikat na groom na umiyak sa araw ng kanilang kasal. Ito ay sa kasagsagan ng lumabas na balita kaugnay sa paghihiwalay nina Jason Hernandez at Moira Dela Torre. Isa lamang si Jason sa mga grooms na ito at sa naturang post ay kasali pa ang picture ng asawa ni Jessy na si Luis na emosyonal din sa araw ng kanilang pagpapakasal. Ani Jessy, sana ay huwag pagtawanan ang mga heartbreak ng ibang tao dahil aniya ay mabilis ang karma.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel