Rita Daniela sa ama ng kanyang ipinagbubuntis: "He’s a private person"

Rita Daniela sa ama ng kanyang ipinagbubuntis: "He’s a private person"

- Nagbigay ng ilang detalye si Rita Daniela patungkol sa ama ng kanyang ipinagbubuntis

- Aniya, non-showbiz ito at pinili nilang gawing pribado ang kanilang relasyon

- Hinintay pa nilang matapos ang first trimester ng kanyang pagbubuntis bago niya ianunsyo ang kanyang pagdadalang-tao

- Sa pagkakaroon na niya ng anak, nagkaroon umano siya ng inspirasyon sa buhay kung kailan nadadalas na ang pagkwestyon niya sa sarili niyang kakayahan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ilang araw matapos aminin ni Rita Daniela na siya ay buntis, nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa ama ng kanyang anak.

Rita Daniela sa ama ng kanyang ipinagbubuntis: "He’s a private person"
Rita Daniela (@missritadaniela)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na non-showbiz ito kaya naman pinili ni Rita na maging pribado ang kanilang relasyon.

"It’s my decision not to share anything about us, about him to everyone because he’s not a showbiz personality. He’s a private person and our relationship has always been private," paliwanag ni Rita.

Read also

Princess Punzalan, inaming nabuntis noong 15 siya ngunit hindi pinanagutan ng bf

Sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas ng 24 Oras, nabanggit din ni Rita na hindi talaga nila inaaasahan ang kanyang pagbubuntis.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit para sa kanya, perfect timing pa rin umano ito lalo na at nadadalas na kwestyunin ang kanyang sarili.

"Am I enough? Was I good? Was I great?’ That has always been my struggle but this blessing reminded me na I won’t feel that anymore," emosyonal na pahayag ni Rita.

Hinintay pa umano ni Rita ang unang trimester ng kanyang pagdadalangtao bago niya ito isapubliko.

"My child, You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always. Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord. I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita," ang caption ng post ni Rita matapos niyang ia-anunsyo ang pagbubuntis.

Read also

Cristy Fermin, naniniwalang di sinusustentuhan ni Dennis Padilla ang mga anak kay Marjorie Barretto

Si Rita Daniela De Guzman Iringan, ay isang Filipina singer, actress, at television host. Nagsimula ang kanyang career nang magwagi bilang grand champion ng QTV’s PopStar Kids. Naging popular siya nang gumanap bilang si Aubrey Palomares, ang naging kapareha ni Ken Chan sa My Special Tatay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel