Barbie Imperial, umalma sa pahayag ni Diego Loyzaga sa isang panayam

Barbie Imperial, umalma sa pahayag ni Diego Loyzaga sa isang panayam

- Umalma si Barbie Imperial sa pahayag ni Diego Loyzaga kaugnay sa umano'y sinabi ni Barbie nang magkita sila

- Binahagi ni Barbie sa kanyang Instagram story ang bahagi ng panayam kay Diego kung saan sinabi niyang sinabi umano ni Barbie na alam niyang hindi nagcheat si Diego sa kanya

- Sinabi din ni Diego sa naturang panayam na kahit ang mga kaibigan niya sa showbiz ay alam na hindi siya nag-cheat kay Barbie

- Para naman kay Barbie, wala siyang masamang sinabi nang sila ay maghiwalay ngunit hindi umano tama na sabihin sa ibang tao ang bagay na hindi naman daw niya sinabi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Barbie Imperial, wala siyang masamang sinabi nang sila ay maghiwalayni Diego Loyzaga ngunit hindi umano tama na sabihin nito sa ibang tao ang bagay na hindi naman daw niya sinabi. Ito ang kanyang naging reaksiyon sa panayam kay Diego.

Read also

Buboy Villar, umalma sa dati niyang tauhan na gumagamit sa pangalan ng paresan niya

Barbie Imperial, umalma sa pahayag ni Diego Loyzaga sa isang panayam
Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

Binahagi ni Barbie sa kanyang Instagram story ang bahagi ng panayam kay Diego kung saan sinabi niyang sinabi umano ni Barbie na alam niyang hindi nagcheat si Diego sa kanya. Kalakip dito ang mga salitang "I never said this."

Sa mga video clips na binahagi niya ay sinabi ni Diego na nakausap umano niya si Barbie. Base sa pahayag ni Diego, sinabi umano ni Barbie na naniniwala siyang hindi nag-cheat si Diego sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinabi din ni Diego sa naturang panayam na kahit ang mga kaibigan niya sa showbiz ay alam na hindi siya nag-cheat kay Barbie.

Barbie Imperial, umalma sa pahayag ni Diego Loyzaga sa isang panayam
Screenshot from @msbarbieimperial IG story
Source: Instagram

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Lolit Solis sa itinakbo ng career ni Kit Thompson: "Forever ng tatak iyon away nila"

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ng karelasyong si Diego sa loob ng mahigit isang taon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y paghihiwalay nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel