Buboy Villar, umalma sa dati niyang tauhan na gumagamit sa pangalan ng paresan niya

Buboy Villar, umalma sa dati niyang tauhan na gumagamit sa pangalan ng paresan niya

- Umalma si Buboy Villar sa kanyang natuklasang ginagawa umano ng kanyang dating tauhan sa kanyang paresan

- Hinayaan niya umano na gamitin nito ang kanyang mga video ngunit kinailangan niya nang magsalita dahil may mga naloko na umano ang tauhan niyang ito

- Kahit wala na ito sa kanya ay nanghihikayat umano ito ng tao na mag-invest sa Paresan ni Bok

- Hinimok din niya ang mga taong nabiktima umano ng dati niyang tauhan na makipagtulungan sa kanya sa pamamagitan ng pag-send sa kanya ng mga screenshot ng patunay na nag-invest sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Buboy Villar, kahit pinirata ang kanyang mga video ay hinayaan niya lang ang kanyang dating tauhan. Gayunpaman, hindi niya na mapapalampas na may maloko ito sa alok niyang franchise ng "Paresan ni Bok" dahil wala na umano ito sa kanya.

Read also

Ian Veneracion, binahagi ang love story nila ng kanyang misis

Buboy Villar, umalma sa dati niyang tauhan na gumagamit sa pangalan ng paresan niya
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

Minabuti ni Buboy na linawin na hindi lehitimo ang inaalok na franchise ng aniya'y dati niyang tauhan na gumawa ng YouTube account na may pangalang Paresan ni Bok. Aniya, nais lamang niyang ipagbigay-alam sa mga taong nais mag-franchise na tanging sa kanyang Facebook account mag-message para siguradong lehitimo ang transaksiyon.

Kwento pa ni Buboy, noong nagtatrabaho ang taong ito sa kanyang paresan ay libre ito sa tirahan bukod pa sa kanyang sahod. Nais lang umano niyang makatulong ngunit hindi niya akalain na iyon ang isusukli sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008. Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Rob Moya, umalma sa umano'y pambibintang sa kanya ng isang content creator

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017. Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn. Sa kasalukuyan ay naroroon ang kanilang dalawang anak na si Vlanz at George sa poder ng kanilang ina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Buboy na kahit malungkot siya ay naiisip niyang ginagawa niya ito para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel