Tyronia Fowler, masaya sa desisyon ng kanyang ina na sagutin ang kanyang Tito Vince

Tyronia Fowler, masaya sa desisyon ng kanyang ina na sagutin ang kanyang Tito Vince

- Sa huling bahagi ng kanyang binahaging video, nakausap ni Toni Fowler ang kanyang anak na si Tyronia Fowler

- Masayang-masaya umano ito na sa wakas ay sinagot na ng kanyang mommy ang kanyang Tito Vince

- Kwento pa ni Toni, ilang buwan na ang nakakalipas ay napag-usapan nila ng kanyang anak ang tungkol sa desisyon niyang ito

- Napatanong pa ito kung ano na lang daw ang magiging bagong intro ng kanyang mommy dahil hindi na ito single mom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging si Tyronia Fowler ay masaya sa naging desisyon ng kanyang mommy na si Toni Fowler na sagutin na si Vince Flores. Pinasalamatan siya ni Toni na pinagbigyan niya umano ito na maging masaya.

Tyronia Fowler, masaya sa desisyon ng kanyang ina na sagutin ang kanyang Tito Vince
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Kwento pa ni Toni, ilang buwan na ang nakakalipas ay napag-usapan nila ng kanyang anak ang tungkol sa desisyon niyang ito. Noon pa man umano ay gusto na ni Tyronia na sagutin na niya si Vince. Napag-usapan umano nila ito bago pa sabihin ni Tyronia kay Vince na boto na niya dito para sa kanyang ina.

Read also

‘Bawal Judgmental’ guest na 'di matinag ang pagkikwento, kinagiliwan ng mga EB hosts

Napatanong pa ito kung ano na lang daw ang magiging bagong intro ng kanyang mommy dahil hindi na ito single mom.

Sa huling pagkakataon ay muli nilang binigkas ang intro niya. Naiiyak si Toni na bigkasin sa huling pagkakataon ang kanyang intro dahil masaya siya umano na hindi na iyon ang intro niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiling ni Toni na sana ay huwag na niyang maging intro uli iyon.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel