Mariel Padilla, todo-bigay sa kanyang song number sa kampanya ni Robin Padilla

Mariel Padilla, todo-bigay sa kanyang song number sa kampanya ni Robin Padilla

- Todo-bigay si Mariel Padilla sa kanyang song number sa kampanya para sa kanyang mister na si Robin Padilla

- Kinanta nito ang awiting "Fallin" sa ginanap na pangangampanya nila sa San Pedro Laguna

- Binanggit pa nito sa kanyang caption ang kantang "Wonderful Tonight" na kinanta ni Robin sa ilang political rally na dinaluhan nito

- Maririnig naman ang hiyawan at palakpakan ng mga tao habang todo-bigay na bumibirit si Mariel sa entablado

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Palakpakan at hiyawan ang naging sukli ng mga tao sa todo-bigay birit ni Mariel Padilla sa entablado nang sumama ito sa pangangampanya para sa mister niyang si Robin Padilla. Kinanta ni Mariel ang awiting "Fallin" sa pangangampanya nila sa San Pedro Laguna.

Mariel Padilla, todo-bigay sa kanyang song number sa kampanya ni Robin Padilla
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Binanggit pa nito sa kanyang caption ang kantang "Wonderful Tonight" na kinanta ni Robin sa ilang political rally na dinaluhan nito.

Read also

Mariel Padilla, nagpasalamat sa lahat ng nag-"mine" kay Robin Padilla

Kung si Robin meron wonderful tonight… si Mariel may Fallin’ hahahahahaha maraming salamat San Pedro Laguna!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami naman sa mga kapwa artista ni Mariel ang naaliw sa kanya. Kabilang sina Toni Gonzaga, Nadia Montenegro at Ayana Asistio sa mga nagkomento sa binahagi niyang video.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Bakit pag iba nakanta ng sintonado nakakainis, pag ikaw buhay na buhay yun alon! Iba ka talaga! #UtolnyosaSenado Robin Padilla
Nag iisa ka!!! Hahahaha yung mas naghhiyawan sila habang nagihirapan ka hahaha smooth ma! Crowd pleaser ka talaga Marielle!!! Walang kupas..I miss your wowoweee time … lab ka namin and of course Binoe
Omg.. i miss dat voice.. Sa wowowee ko kadalasan naririning boses nato. @marieltpadilla mas bet ko pa rin yung "oh my god yung electric fan nahulog nahulog"

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel