Vice Ganda, ibinahagi kung gaano kahalaga sa buhay niya ang kanyang kasambahay

Vice Ganda, ibinahagi kung gaano kahalaga sa buhay niya ang kanyang kasambahay

- Sa kanyang vlog, isinama ni Vice Ganda ang kasama sa bahay na si Jacky at kanyang malalapit na kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ginawa nila ang challenge na tinawag nilang Ang Iyo Ay Akin Challenge

- Sa challenge na ito ay sasabihin nila ang bahagi ng katawan ng bawat isa na gusto nilang maging kanila

- Sa huling bahagi ng video ay binahagi ni Vice Ganda kung gaano ka halaga para sa kanya ang kasambahay niyang si Jacky

Sa kanyang YouTube video na pinamagatang Ang Iyo Ay Akin Challenge, isinama ni Vice Ganda ang kasama sa bahay na si Jacky at kanyang malalapit na kaibigan. Sa challenge na ito ay sasabihin nila ang bahagi ng katawan ng bawat isa na gusto nilang maging kanila.

Vice Ganda, ibinahagi kung gaano kahalaga sa buhay niya ang kanyang kasambahay
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer

Sa huling bahagi ng video ay binahagi ni Vice Ganda kung gaano ka halaga para sa kanya ang kasambahay niyang si Jacky. Aniya, pagdating sa mga bagay sa loob ng bahay nila, si Jacky ang laging nakakaalam niyon.

Aniya, mahihirapan siya kapag mawawala si Jacky sa kanya. marami naman ang natuwa sa pagpapahalagang ito ni Vice sa kasambahay:

Jackie swerte mo at Kay Vice k npunta npk Buti Ng puso niya.mahalin mo at alagaan wag mong iiwan.ang saya Ng vlogs mo Vice.more blessings
Ang saya nyo naman, nabigyan pa ng moment si Jackie. Si Kitty din masalita pala, pag Beks Friends/Beks Squad kasama nya, napaka tahimik nya, bihira lang magsalita. Parang mas at ease sya sa barkada nyo
So touching on how Vice appreciate Jackie ..sana lahat ng mga boss ganyan sa mga kasama sa bahay..GOD BLESS YOU MORE VICE GANDA...i hope I can meet you in person...keep safe...thanks for making us happy

Read also

Aiko Melendez, nainis sa customer na nagalit sa Grab driver na walang panukli

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel