2 dalagitang nagtago sa CR, balak patayin ang mga papasok nilang kaklase

2 dalagitang nagtago sa CR, balak patayin ang mga papasok nilang kaklase

- Isang 11 taong gulang at isang 12 taong gulang na dalagita ang nagtago sa CR sa planong pagpatay sa mga kaklase nila

- Nahuli ang dalawa sa central Florida na may nakatagong kutsilyo at ballpen na siyang gagamitin daw sana nila sa pamamaslang

- Di pa mawari kung lilitisin ang dalawa nang gaya sa nasa wastong edad ina dahilan para di muna pangalanan ang dalawang dalagita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakikilabot na malaman na dalawang estudyanteng babae sa The Bartow Middle School sa Florida ang nagtago di umano sa palikuran ng kanilang paaralan para sa planong pagpatay sa kanilang mga kaklase.

Ayon sa ulat ng CNN, may edad na 11 at 12 taong gulang ang dalawang bata na umaming sila raw ay kampon ni satanas.

Gamit daw sana ang kutsilyo at ballpen, gigilitan nila ng leeg ang papasok sa palikuran at iinumin ang dugo ng mga ito bilang patunay na sinasamba nila ang demonyo.

Nalaman ang plano ng dalawa nang maalarma ang magulang ng isa sa dalawang dalagita na di pala ito pumapasok sa klase.

Doon nila nalaman na nanatili pala ito sa bahay ng isa pang dalagita sa pagtatapos ng linggo. Ito ang mga araw na pinagplanuhan pala nila ang gagawin sanang kababalaghan sa CR ng kanilang paaralan.

Nagawa pa raw mag-research ng dalawa sa internet kung paano makapatay ng tao sa pamamagitan ng paggilit sa leeg. Ang target pa nila ay ang mas maliliit sa kanilang mga bata.

Ang nakakatakot pa sa kanilang salaysay, kakainin daw sana nila ang ilang bahagi ng katawan ng mga napatay at pagkatapos ay papatayin din nila ang isa't isa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil sila ay nasa Amerika, di pa mawari ng korte kung lilitisin ba ang dalawang dalagita bilang adult kay adi muna pinangalanan ang dalawang bata sa ngayon.

Lalo pang pinaigting ang seguridad sa paaralan na laking pasalamat na lang at di natuloy ang binalak ng dalawang dalagita.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel