OFW, pinakita ang ebidensya na pera lang daw ang habol ng kanyang 'kumare' kaya ginawa siyang ninang ng anak nito

OFW, pinakita ang ebidensya na pera lang daw ang habol ng kanyang 'kumare' kaya ginawa siyang ninang ng anak nito

-Nag-viral ang post ng OFW na si Rachelle Claire Melchor kung saan pinakita niya ang 'chat' nila ng kanayang kumare 'daw' patungkol sa panghihingi nito ng ₱5,000

- Kitang kita na di maganda ang sinasabi ng kanyang kumare na tinatawag pa niyang 'be' dahil tila napapasama pa si Rachelle dahil di niya napagbigyan ang hiling nito

- Naglabas din na sama ng loob ang mga netizens dahil maling mali nga naman ang kumare na ito ni Rachelle dahil halatang kinakasangkapan lang nito ang mga anak na 'inaanak' daw ni Rachel para makahingi ng pera.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Pangalawang magulang po hindi sponsor," ito ang bungad ni Rachelle Clair Melchor sa kanyang viral post patungkol sa kumare niyang 'nakikiusap' daw na magpadala ng ₱5,000 para sa inaanak daw ni Rachelle.

Nalaman ng KAMI na pinakita ni Rachelle ang screenshot ng kaibigan na tinatawag niyang 'be' kung saan di talaga maganda ang mga salitang binitawan nito gayong siya naman ang nanghihingi lamang ng pabor.

Sa una'y nangumusta lamang ang kumare ni Rachelle. Matapos nito ay humirit na agad ng sapatos para sa 'inaanak' daw ni Rachelle na anak niya sabay hirit na rin ng para sa kanya.

Tinanong naman ni Rachelle kung ano ang size ng bata, ngunit binigay din ng kanyang kumare ang size niya.

Sinabi ni Rachelle na bata nalang daw ang bibilhan niya at dito nasabihan agad siya ng kanyang kumare na "Grabe siya, ang damot mo naman."

Sumunod na sinabi ng kumare ni Rachel ang pagkuha ulit sa kanya bilang ninang ng isang anak nito. Laking gulat ni Rachel kasi akala niya ay ninang na nga siya ng isa nitong anak. Humirit na naman ang kanyang kumare ng pamasko at pang-chairs and tables sa pabinyag daw nito sa August.

Pinamukha pa kay Rachelle na "pangalawang nanay" naman daw siya ng inaanak kaya ganoon na lamang ito kung 'manghingi.'

Dito sinabi ni Rachelle na marami siyang gastusin at pinilit pang alamin ng kanyang kumare kung magkano ang nilabas na pera sa gastusin na iyon at kung para saan.

Nang malaman ng kumare niya na nasa ₱50,000 dahil para ito sa hinuhulugang condo, sabay hirit na naman nito na kung kaya pala ni Rachelle magpalabas na 50k, ano daw ba naman ang ₱5,000 para sa chairs at tables.

Matapos ito ay umalma na si Rachelle dahil kitang kita naman na di na maganda ang itinatakbo ng usapan at kitang kita na 'namimilit' na ang kanyang kumare. Pinaliwanag ni Rachelle na may mga gastusin siyang pinaglalaanan sa kanyang pera at di biro ang magpaluwal ng ₱5,000 ng ganun na lang.

Pinalalabas pa ng kumare niya na si Rachelle pa ang may di magandang ugali at di manlang daw ito malapitan. Sinabi na ng OFW na ayaw na niyang makipagtalo sa kumare pero sinabihan pa siya ng "Ang yabang mo, sayo na yang 5k mo"

Kalmado pa rin itong sinagot ni Rachelle at sinabing kung mayroon man siyang ₱5,000 para na iyon sa anak, pamilya at sa sarili.

Samantala, ngingit din sa galit ang ilang netizens sa tindi daw ng "kakapalan ng mukha" ng kumare ni Rachelle.'Narito ang ilan sa kanilang pahayag:

"Grabi sya durian soap Ang gmit sa kpal"

"Ikaw na nga lang nakikiusap. Demanding ka pa. Kung wala ka pera, wag mo ipilit!"

"Ang kapal sapilitan e ano kng d ka nya kunin ninang iba hanap parng ikaw na maghahNda"

"Kapal nmn nya sya kya mgtrabaho sa ibang bansa tignan lng natin....gnyn tlga yng taong mga wlang hiya sa sarili at batugan!! Kala nya madaling kumita sa abroad ah...."

"Hahaha makulit na makapal pa ang mukha yan ang mga tinatanggal sa listahan ng kaibigan.ka block block yan.kong makatanda ng pera ng may pera grabi."

"Kapal ng mukha haha. Nagtrabaho sa ibang bansa si ate para sa pamilya, hindi para sa panlamesa at pang upuan sa binyagan mo!"

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Bong Revilla faces the public for the first time since release and shares experience in jail

Bong Revilla faces the public for the first time since release and shares experience in jail

Bong Revilla faces the public for the first time since release and shares experience in jail
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel