Pasahero, nag-live tweet ng detalye kung paano nahuli ng Grab driver ang panloloko ng kanyang asawa

Pasahero, nag-live tweet ng detalye kung paano nahuli ng Grab driver ang panloloko ng kanyang asawa

- Isang pasahero na may pangalang Jobim Javier ang nagsalaysay kung paano nahuli ng kanyang Grab driver ang panloloko sa kanya ng kanyang asawa

- Habang sakay di umano si Jobim ng taxi na minamaneho ng Grab driver, bigla na lang tumawag ang misis nito, na tila may 'hinaharot' at di pala siya dapat tawagan

- Nag-live tweet pa ang pasahero ng bawat detalye ng nasasaksihan niyang kaganapan sa pagitan ng driver at kanyang misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang mga post ng isang netizen na si Jobim Javier na nagsalaysay kung paano nahuli ng driver ng sinasakyan niyang Grab ang panloloko ng kanyang misis.

Nalaman ng KAMI na idinetalye talaga ni Jobim ang bawat nasasaksihan niya sa pag-uusap ng driver at misis nito.

Nag-umpisa ang eksena nang nag-ring ang cellphone ng driver na nakakonekta sa bluetooth kaya maririnig ang nagsasalita sa kabilang linya.

Sinubukang mag-hello ng ilang ulit ang driver at kaluanan, naisip na di pala siya dapat tinawagan ng misis niya, bagay na naisip din ng kanyang pasahero.

Hindi talaga dapat tinawagan ng misis ang driver dahil dinig na dinig nilang nakikipagharutan pa ito sa taong kasama niya.

Sa tindi ng tension, binaba na lamang ng driver ang tawag sa cellphone.

Sa tindi marahil ng emosyon, tinawagan ng driver ang misis at doon nagsimula na siyang magtanong ng pasigaw.

Banat naman ng misis ng driver na bumibili lamang siya ng gatas ng kanilang anak. bagay na di naman paniwalaan ng mister at maging ang pasahero nito.

Iginiit ni Manong driver na rinig na rinig niya ang bawat sinasabi ng misis kaya naman galit na galit ito.

Ngunit nang tanungin na ng driver kung sino ang tinatawag ng misi niyang 'daddy', halos di makasagot agad ang misis na bumuwelta parin na 'tatay' daw niya ang tinatawag nitong daddy.

Ngunit, tila alam na dati pa ng Grab driver na may kalaguyo ang kanyang misis.

Humahangos sa paghinga ang driver nang ibaba nito ang telepono dahil sa tensyon.

Doon any kinausap din niya ang pasahero niya na nakasaksi ng bawat pangyayari na ito sa kanyang buhay.

Napahanga na lamang ang pasahero na ito sa driver. Naihatid naman siya ng maayos ng driver sa kabila ng pangyayare at di na lamang niya kinuha ang sukli para kahit paano raw ay may pamapalubag loob na inumin ang driver na sasabog na ang emosyon.

Sa huling tweet ni Jobim, Binigyan niya raw ang driver ng 5 stars, marahil sa serbisyo na binigay sa kanya ng driver sa kabila ng sitwasyon na kinahaharap nito. O baka 5 stars sa kng paano dinala ng driver ang dagok sa kanya ng buhay.

Are you dreaming about a body that looks like a model but have no idea where to begin your workout? Sam's Fitness Challenge Week 1 (Teaser) | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Maid, bistado sa pagnanakaw! Binenta online ang mga ninakaw sa amo

Maid, bistado sa pagnanakaw! Binenta online ang mga ninakaw sa amo

Maid, bistado sa pagnanakaw! Binenta online ang mga ninakaw sa amo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel