Simon Javier, ipinagtanggol ang pagmamahal kay Zara Lopez sa kabila ng agwat sa edad

Simon Javier, ipinagtanggol ang pagmamahal kay Zara Lopez sa kabila ng agwat sa edad

  • Nagbahagi si Simon Javier ng mahabang mensahe para sa kanyang asawang si Zara Lopez kung saan direkta niyang sinagot ang mga komentong nakatuon sa 15 taong agwat ng kanilang edad at iginiit na hindi nito nababawasan ang pagmamahalan at respeto nila sa isa’t isa
  • Sa naturang post, pinuri ni Simon ang katatagan ni Zara bilang ina at asawa habang binigyang-diin niyang mas mahalaga para sa kanya ang pagkatao, katapatan at pagmamahal na ibinibigay nito sa kanilang pamilya kaysa sa anumang komento ng ibang tao
  • Nagbalik-tanaw din si Simon sa mga pinagdaanang pagsubok ng kanilang relasyon at sinabi niyang sa kabila ng mga hamon, patuloy nilang pinipiling samahan ang isa’t isa habang inilalagay ang Diyos sa sentro ng kanilang pagsasama
  • Umani ng atensiyon sa social media ang mensahe ni Simon dahil sa kanyang pahayag na handa niyang mahalin si Zara sa bawat yugto ng kanilang buhay at patuloy niya itong pipiliin anuman ang sabihin ng ibang tao

Read also

Sheree Bautista, may makahulugang pahayag: “Sometimes, life has a way of removing people”

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbigay ng emosyonal na mensahe si Simon Javier para sa kanyang asawang si Zara Lopez matapos makatanggap ng mga komento tungkol sa kanilang age gap.

Simon Javier, ipinagtanggol ang pagmamahal kay Zara Lopez sa kabila ng agwat sa edad
Simon Javier, ipinagtanggol ang pagmamahal kay Zara Lopez sa kabila ng agwat sa edad (📷Simon Javier/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang social media post, diretsahang sinagot ni Simon ang mga nagsasabing dapat siyang humanap ng mas batang asawa dahil mas matanda si Zara sa kanya ng 15 taon. Ayon kay Simon, hindi edad ang naging basehan ng kanyang desisyon na pakasalan si Zara kundi ang pagmamahal, tiwala at katangian nito bilang katuwang sa buhay.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Simon na 27 taong gulang siya habang 42 naman si Zara. Gayunman, iginiit niyang hindi ito hadlang sa matatag nilang pagsasama.

Naging kapansin-pansin din ang kanyang tugon sa mga nagsasabing mas bagay umano sa kanya ang mas batang partner.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“You see a 15-year age gap. I see a lifetime with the woman I love.”

Ibinahagi rin ni Simon ang paghanga niya kay Zara bilang isang ina. Ayon sa content creator, nakita niya ang mga sakripisyong pinagdaanan ng kanyang asawa bilang single mother bago pa man sila magsama.

Read also

Simon Javier, ibinahagi ang hirap na pinagdaraanan ng asawang si Zara Lopez

“I didn’t marry Zara for her age, looks or perfect past. I married her for her heart, strength, loyalty, and the way she loves our family. She’s the best mom ever!!”

Bukod dito, binanggit din ni Simon na hindi naging perpekto ang kanilang relasyon at dumaan sila sa mga pagsubok bago tuluyang magpakasal. Gayunpaman, sinabi niyang patuloy nilang pinipiling mahalin at suportahan ang isa’t isa.

“We’ve been through heartbreak, separation, forgiveness & second chances. We’re not perfect, but we’re choosing each other again with God at the center.”

Sa isa pang bahagi ng kanyang mensahe, sinabi ni Simon na mas pinahahalagahan niya ang pagmamalasakit ng kanyang asawa kaysa sa mga katangiang madalas tingnan ng ibang tao.

“I’d rather have a wife who reminds me to eat, rest, and come home safely than someone who doesn’t care about me.”

Nagbigay rin siya ng pananaw tungkol sa pagtanda at pagsasama bilang mag-asawa. Ayon kay Simon, handa siyang makasama si Zara sa bawat yugto ng kanilang buhay.

“Because I didn’t marry her to stay young together. I married her to grow old together.”

Binanggit din niya ang talata mula sa Ephesians 5:25 tungkol sa pagmamahal ng asawa sa kanyang kabiyak.

Read also

Zara Lopez, sinagot ang mga nagsasabing nagbago siya dahil sa tagumpay

Nagtapos ang kanyang mensahe sa isang taos-pusong pagpapahayag ng pagmamahal para kay Zara.

“I’d still choose you. Through every heartbreak, every season, and every version of us.”

Habang patuloy na pinag-uusapan ng netizens ang pinakahuling mensahe ni Simon, narito ang ilan pang kaugnay na balita tungkol kina Zara at Simon na inilathala ng Kami.com.ph:

Sa artikulong ito, ibinahagi ni Zara ang kanyang panig matapos makatanggap ng mga puna na nagbago na umano ang kanyang ugali dahil sa tagumpay sa vlogging. Ipinaliwanag niya na ang pangunahing layunin niya ay mapabuti ang buhay ng kanyang pamilya at makatulong sa mga mahal sa buhay. Binalikan din niya ang kanyang buhay bilang single mother at breadwinner bago siya naging matagumpay online.

Ibinahagi ni Simon sa naturang ulat ang emosyonal na kalagayan ni Zara sa gitna ng mga kontrobersiya at batikos online. Ayon sa kanya, nakikita niya ang mga epekto nito sa mental at emosyonal na kalusugan ng kanyang asawa. Binigyang-diin din niya na mas mahalaga ang kapayapaan at paggaling ng kanyang kabiyak kaysa sa anumang isyung pinag-uusapan sa social media.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate