Madam Kilay, kalmadong hinarap ang kapitbahay na dumuro-duro sa kanya

Madam Kilay, kalmadong hinarap ang kapitbahay na dumuro-duro sa kanya

- Sinubukan ni Madam Kilay na makipag-usap nang maayos sa kanyang galit na galit na kapitbahay

- Ito ay nagalit kaugnay sa pagkawala ng kanyang aso at napunta sa bandang garahe ng naturang kapitbahay niya

- Pinalagan naman ni Madam ang panduduro at pagmumura sa kanya kahit pa kalmado siyang nakikipag-usap

- Umani naman ng pambabatikos ang ginawa ng babae kay Madam Kilay lalo pa at hindi naman umano naging bastos ang social media personality

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Madam Kilay ang isang video na kuha sa naganap na komprontasyon sa kanila ng kanyang kapitbahay. Kapansin-pansin na sinusubukang maging kalmado ni Madam Kilay ngunit dinuro pa rin siya ng babaeng kapitbahay niya.

Madam Kilay, kalmadong hinarap ang kapitbahay na dumoro-duro sa kanya
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Nanggalaiti ito dahil nakawala ang aso ni Madam Kilay at napunta sa kanyang garahe. Ayon naman kay Madam Kilay, hindi maiwasan kung minsan na nakakawala ang aso. Gayunpaman, hindi naman umano ito nang-atake.

Read also

Madam Inutz sa worst na nangyari sa kanyang buhay: "Akala namin mawawala na si Nanay"

Bukod sa panduduro ay marami pang masasakit na salita ang sinabi sa kanya.

She’s know me as Madam Kilay pala eh! Nang dahil na naman sa aso ko na nakawala SA backyard. You can’t control minsan na Nakakawala ang aso. Pero ang DURUIN mo ako at Murahin sabhin pang STUPID ako that’s below the belt. Kalma lang ako niyan! Ang hirap makipag-away pag English!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang nakilala si Madam Kilay dahil sa kanyang nakakatuwang Facebook Video kung saan iba-iba ang hugis ng kanyang kilay kaya siya tinawag bilang Madam Kilay. Si Jinky Anderson sa totoong buhay ay minsan na ring napanood sa telebisyon nang mapasali siya sa "Eat Bulaga" at iba pang TV shows.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Read also

Paolo Contis, humingi ng dispensa kay Lian Paz sa pagkakadawit nito sa kontrobersiya

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel