Michelle Madrigal at asawang si Troy Woolfolk, kinumpirmang hiwalay na sila

Michelle Madrigal at asawang si Troy Woolfolk, kinumpirmang hiwalay na sila

- Sa isang Instagram post, minabuti ni Michelle Madrigal na isapubliko ang tungkol sa paghihiwalay nila ng asawang si Troy Woolfolk

- Inamin niyang sumasailalim silang mag-asawa sa proseso ng divorce ngunit nanatili umano silang magkaibigan at co-parent para sa anak nila

- Minabuti umannoo nilang ipaalam na rin ang kanilang pinagdadaanan matapos makatanggap ng mga mensahe na nagtatanong tungkol sa kanilang pagsasama

- Humingi naman ng space at pag-unawa si Mitch kaugnay sa naging desisyon nila ng ama ng kanyang anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Diretsahang inamin ni Michelle Madrigal ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Troy Woolfolk. Ibinahagi ni Michelle ang balitang ito sa pamamagitang ng isang Instagram post.

Michelle Madrigal at asawang si Troy Woolfolk, kinumpirmang hiwalay na sila
Photo from Michelle Madrigal (@mitch_madrigal)
Source: Instagram

Ani Michelle, nasa proseso na sila ng divorce ngunit nananatili silang magkaibigan at co-parent para sa anak nila. Aniya, marami ang nagtatanong sa kanila kaya minabuti na nilang isapubliko ang tungkol sa paghihiwalay nila.

Read also

Pinay doctor sa Amerika, napili bilang role model ng 'Barbie' doll

@twoolf29 and I have been separated and are going through divorce. Of course, we have remained friends and co-parents to our beautiful daughter Anika. We only wanted to share this to be transparent due to the amount of DM’s and comments we get from y’all.

Gayunpaman, humiling si Michelle ng space at pang-unawa sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We hope that y’all can give us the space and respect with our decision. We thank y’all for all the love and support you have given The Woolfolk family. We will always have love for each other and cherish the good times rather than the bad ones.

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Read also

Emosyonal na pagpapaalam ni Jimmy Alapag sa anak, umantig sa mga netizens

Biniyayaan si Michelle at kanyang asawang si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app.

Matatandaang naibahagi ng mag-asawa sa isa sa kanilang vlog na sumasailalim sila sa marriage counseling.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel