Pinay doctor sa Amerika, napili bilang role model ng 'Barbie' doll
- Napili ang Fil-American Doctor na si Audrey Sue Cruz bilang role model ng Barbie
- Ito ay mula nang mag-viral ang kanyang video tungkol sa diskriminasyong nararanasan ng Asian community
- Hindi raw niya inasahan na dahil sa kanyang viral video mapapansin siya ng Mattel, ang kompanyang gumagawa ng Barbie Doll
- Ang pagkuha ng Mattel kay Dr. Cruz bilang modelo ay bahagi ng kanilang 'Thank You heroes!' program bilang pagbibigay pugay sa mga medical frontliners
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi raw makapaniwala ang Pinay na doktora sa Las Vegas, Nevada na si Dr. Audrey Sue Cruz na napili umano siya ng Mattel para gawing modelo ng isang Barbie doll.
Nalaman ng KAMI na nagulat umano si Dr. Cruz nang makatanggap ng tawag mula sa Mattel, at nais siyang maging 'partner' sa gagawing bagong modelo ng kanilang mga manika.
"I honestly could not believe it. Several months ago, executives from Mattel and Barbie reached out and told me that they wanted to do a partnership with me," pahayag ni Dr. Cruz sa Cosmopolitan.
Sinabi ng Mattel na nakita umano nila ang viral video kung saan kasama si Dr. Cruz ng iba pang mga Asian American physicians. Ito ay isang kampanya upang manawagan na itigil na umano ang natatanggap na diskriminasyon, hate crimes at anumang pangungutya sa Asian Community.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil sa pinakitang katapangan, napahanga niya ang Mattel na nagkataong gumagawa ng 'Thank You heroes!' program bilang pagbibigay pugay sa mga medical frontliners sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Mabusising sinigurado ng Mattel na magiging kamukha nga talaga ni Dr. Cruz ang inilabas nilang Barbie Doll.
"I am so proud to represent the Filipino-American community as well as the Asian-American community in general."
"My goal is to represent the hardworking frontliners who have sacrificed so much during the pandemic. I know that my fellow Fil-Am community has worked tirelessly, and I hope they know that they are seen and appreciated."
Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ng ABS-CBN News:
Tunay na kahanga-hanga ang katapangang ipinakita ni Dr. Cruz sa pagsuporta niya sa #IAmNotAVirus campaign lalo na at may naiuulat pa rin na mga hate crimes sa ibang bansa kung saan pawang mga Asyano ang biktima.
Matatandaan na isang 61-anyos na Pinoy sa New York ang bigla na lamang nilaslasan ng mukha sa subway train. Ang masaklap, wala raw ni isang kapwa niya pasahero ang tumulong sa kanya hanggang sa makalabas na siya ng tren at nakahingi ng tulong.
Nitong nakaraang taong 2020, isang pamilyang Pinoy ang nagawang insultuhin umano ng lalaking nakasabay nilang kumain sa isang restaurant.
Napag-alamang isa pa lang CEO ng IT company ang lalaki na nag-resign nang wala sa oras dala ng kahihiyan sa kanyang nagawa.
Matatandaang ipinagtanggol pa ng waitress ng restaurant ang mga Pinoy at ito pa mismo ang nagpaalis sa lalaki gayung kitang-kita ang pambabastos nito sa ibang panauhin dahil lamang sa iba ang kanilang nasyunalidad.
Source: KAMI.com.gh