Project Nightfall, nagsalita na rin ukol sa alegasyon kay Nas Daily; "It's very unfair"

Project Nightfall, nagsalita na rin ukol sa alegasyon kay Nas Daily; "It's very unfair"

- Naglabas na rin ng saloobin ang isa pang kilalang content creator na si Agon Hare o mas kilala bilang 'Project Nightfall'

- Ito ay matapos na makaladkad umano ang kanyang pangalan sa kontrobersya ng YouTuber at kaibigan niya umanong si Nas Daily

- Ibinunyag din niya ang umano'y totoong nangyari sa proyekto sana nila na dinayo sa Pilipinas para i-feature ang The Cacao Project at ang founder nitong si Louise de Guzman Mabulo

- Ayon kay Agon, biktima na rin siya ng heavy online bullying sa bagay na hindi naman umano siya direktang kasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na rin ang isa pang content creator na si Agon Hare o mas kilala bilang 'Project Nightfall'.

Nalaman ng KAMI na matapos na masangkot sa kontrobersiya ang 'Nas Academy' ng YouTuber na si Nas Daily dahil naakusahan umano ito ng pag-scam sa tattoo master na si Whang-Od, nadawit na rin si 'Project Nightfall.'

Read also

Nanay ni Neil Arce, pinayuhan ang anak na maging ‘under’ kay Angel Locsin

Sa kanyang video na inilabas noong Agosto 6, makikita ang pagkadismaya ni Agon sa 'heavy online bullying' na kanya umanong nagtatanggap.

Project Nightfall, nagsalita na rin ukol sa alegasyon kay Nas Daily; "It's very unfair"
Ang content creator na si Agon Hare o mas kilala bilang 'Project Nightfall' (Photo credit: Project Nightfall)
Source: Facebook

"I am recording this video because it makes me sad that there are people out there who right now lost their respect for me for something I'm not even a part of," panimula ni Agon.

Nilinaw niya na hindi umano siya bahagi ng team ni Nas Daily at may sarili umano siyang proyekto.

Ngunit inamin niya na kasama rin siya sa mga nagpunta sa Pilipinas, dalawang taon na ang nakalilipas upang i-feature ang 'The Cacao Project' at ang founder nitong si Louise de Guzman Mabulo.

"I was there. I went there to work on a video about Louise too, so I can give you my version and trust me, I could've just stayed silent and in a few days forget about this. But, if there's one thing that I really dislike it's when people build their careers while taking other people down. It's very unfair, and so I need to tell you what happened exactly," paliwanag niya kaugnay sa isiniwalay ng Pinay matapos ang 'Whang-Od controversy' na kinasasangkutan ni Nas Daily.

Read also

Talent Agency, umalma sa fake news na pinapakalat tungkol kay Buknoy Glamurrr

"Her program was meant to help farmers grow cocoa trees, instead of coconut trees, so they can make more money, and so we went to see farmers growing these trees! But the problem was that they were all dying. Tiny, dying trees," Paglalarawan ni Project Nightfall sa 'The Cacao Project' ni Louise.

Sinabi rin nito na sila umano ang umayaw dahil sa nakita nila na wala umanong 200 farmers na natutulungan ang proyekto tulad ng kanilang inaasahan.

"But we had to because the video would be a lie and so we left," ayon kay Agon.

Nakarating din sa kanya ang paghuhusga umano ng mga Pilipino na ginagamit lamang na 'Pinoy bait' ang kanyang mga content.

"Thousands of people in the Philippines have something against me for no reason and it's especially painful because most of my team is Filipino"

Tinapos niya ang nasa pitong minutong video sa pagpapasalamat niya sa mga nanood at nakaunawa sa kanyang pagpapaliwanag.

Read also

Anak ni Neri Naig na si Miggy Miranda, mayroon nang sariling condo unit

Narito ang kabuuan ng video ng pagbubulalas ng saloobin ni Project Nightfall:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang nakaraang linggo nang isiwalat ni Gracia Palicas, isa sa mga apo ni Whang-Od na isa umanong scam ang online tattoo course ng 'Nas Academy'.

Ang Nas Academy ay isang programa ng Israeli vlogger na si Nuseir Yassin ng 'Nas Daily'.

Dahil dito, bumaba umano ang bilang mga subscribers ng vlogger na umabot na sa 400,000 ang nabawas ayon sa GMA News.

Lalo pa umanong naging mainit ang isyu nang lumabas ang isa ring Pinay na nakatrabaho umano ni Nas Daily, dalawang taon na ang nakalilipas. Sinabi ng founder ng 'Cacao Project' na si Louise De Guzman na dati umano siyang fan ng vlogger ngunit labis umano siyang nadismaya nang makatrabaho ito.

Read also

Maria Hofs, binigyan si Marjorie Abastas ng pera bukod pa sa bayad niya

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Nas Daily kaugnay sa isyu nila ni Whang-Od maging ang tungkol sa mga pahayag sa kanila ni De Guzman.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica