Catriona Gray, 'di na tatanggap ng mga aplikante sa 'Nas Academy' kaugnay ng Whang-Od isyu
- Naglabas na ng pahayag ang management ni Catriona Gray kaugnay sa naging kontrobersiya ng tattoo master na si Apo Whang-Od at ang content creator na si Nas Daily
- Matatandaang isiniwalat ng apo ni Whang-Od ang umano'y scam ng Nas Academy sa kanila
- Kaugnay nito, hindi na raw muna tatanggap si Catriona ng mga aplikante sa kanyang Nas Academy
- Siniguro naman ng management ng beauty queen na tututukan nila ang naturang insidente
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Makalipas ang ilang araw, nagsalita na rin ang kampo ng 2018 Miss Universe na si Catriona Gray kaugnay sa isyu ng tattoo master na si Apo Whang-Od at ng content creator na si Nas Daily.
Nalaman ng KAMI na hindi na tatanggap si Catriona ng mga aplikante para sa kanyang 'Catriona Gray Academy' na bahagi ng programa ng vlogger na si Nas Daily.
Sa opisyal na pahayag ng management ni Catriona, ang Cornerstone Entertainment, sinabing napagkasunduan na nila maging ng Nas Daily na hindi na muna tatanggap ng mga aplikante si Catriona hangga't hindi natatapos ang isyu ng vlogger at ng tattoo artist.
Nabanggit din sa naturang pahayag na nakikipag-ugnayan na umano ang vlogger sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) upang malaman ang tamang proseso kaugnay sa pagkakaroon ng 'Whang-Od Academy.'
Siniguro rin ng Cornerstone na patuloy silang tututok sa anumang magiging resulta ng nasabing insidente.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nito lamang nakaraang linggo nang isiwalat ni Gracia Palicas, isa sa mga apo ni Whang-Od na isa umanong scam ang online tattoo course ng 'Nas Academy'.
Ang Nas Academy ay isang programa ng Israeli vlogger na si Nuseir Yassin ng 'Nas Daily' kung saan bahagi rin si Catriona Gray.
Dahil dito, bumaba umano ang bilang mga subscribers ng vlogger na umabot na sa 400,000 ang nabawas ayon sa GMA News.
Lalo pa umanong naging mainit ang isyu nang lumabas ang isa ring Pinay na nakatrabaho umano ni Nas Daily, dalawang taon na ang nakalilipas. Sinabi ng founder ng 'Cacao Project' na si Louise De Guzman na dati umano siyang fan ng vlogger ngunit labis umano siyang nadismaya nang makatrabaho ito.
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Nas Daily kaugnay sa isyu nila ni Whang-Od maging ang tungkol sa mga pahayag sa kanila ni De Guzman.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh