Hidilyn Diaz, unti-unti nang natatanggap ang mga regalo sa pagiging Olympic gold medalist
- Unti-unti nang natatanggap ni Hidilyn Diaz ang mga pledge sa kanya sa pagkakasungkit ng gintong medalya sa Tokyo 2020 Olympics
- Una na niyang natanggap ang Php10 million mula sa MVP Sports Foundation
- Sumunod naman ang Php3 million mula kay Congressman Mikee Romero
- At ngayon lamang Agosto 6, natanggap na rin niya ang sasakyang handog sa kanya ng Ayala Foundation
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Unti-unti nang natanggap ni Hidilyn Diaz ang mga pledge at rewards niya sa pag-uwi ng pinakaunang gintong medalya ng Pilipinas mula sa Olympics.
Nalaman ng KAMI na ang pinakabagong natanggap niya ay ang brand-new Kia Stonic mula AC Motors at Kia Philippines na handog sa kanya ng Ayala Foundation.
Todo ang ngiti ni Hidilyn sa kanyang bagong sasakyan at ang una niyang naisakay sa passenger seat ay walang iba kundi ang kanyang nobyo at coach na si Julius Naranjo base sa ulat ng The Freeman.
Matatandaang una nang natanggap ni Hidilyn ang ipinangako sa kanya ng MVP Sports Foundation na Php10 million na kumpirmado nang naideposito sa kanyang bank account.
Sumunod na nai-ulat kamakailan ang pagtanggap ni Hidilyn ng Php3 million mula naman kay Congressman Mikee Romero.
Inaasahang nasa Php45 million ang matatanggap na cash ni Hidilyn bukod pa sa mga free flights at properties na regalo sa kanya ng iba't ibang kompanya sa bansa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.
Bukod sa gold medal na nakuha niya sa women's 55 kilogram category sa Tokyo 2020 Olympics, matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.
Sa dami ng mga naipangakong regalo kay Hidilyn sa pagsungkit ng gintong medalya sa olympics, hangad naman ng 1996 Summer Olympics silver medalist na si Onyok Velasco na matanggap ni Hidilyn ang lahat ng dapat nitong matanggap.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh