Onyok Velasco, sinabing marami pa siyang 'di natanggap bukod sa ₱2.5M na incentive
- Muling naungkat ang mga pledge at incentive na noon sana'y natanggap ng Olympic silver medalist na si Onyok Velasco
- Sinabi niyang halos nakalimutan na niya ang iba at hindi lamang pala ang ₱2.5 million na cash incentive mula sa gobyerno
- Natanggap naman niya ang house and lot na bigay ng isang negosyante ngunit wala naman daw itong titulo
- Gayundin ang ₱10,000 na sinabing lifetime monthly allowance ngunit isang taon lamang ito ibinigay sa kanya
- Kaya naman hangad niyang matanggap lahat ni Hidilyn ang mga incentives at pledge sa kanya sa pagsungkit nito ng gold medal sa Tokyo 2020 Olympics
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dahil usap-usapan ngayon ang limpak-limpak na salaping matatanggap umano ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, muling naungkat ang napakong mga incentive at pledge sa Olympic silver medalist ng 1996 Summer Olympics na si Mansueto "Onyok" Velasco Jr.
Nalaman ng KAMI na hindi lamang pala ang ₱2.5 million na incentive mula sa gobyerno ang hindi pa umano nito natatanggap.
Sa panayam sa kanya ng 24 Oras ng GMA, sinabi ni Onyok na halos nakalimutan na niya ang iba pang mga pledge na makalipas ang nasa 25 na taon.
Natanggap naman umano ni Onyok ang house and lot na bigay sa kanya ng isang negosyante. Ang problema, wala pa raw ang titulo nito.
Isa ring negosyante ang nagbigay sa kanya ng ₱10,000 lifetime monthly allowance ngunit tumagal lamang ito ng isang taon.
Hindi rin natanggap ng kanyang dalawang anak ang pangako umanong scholarship sa kanila ng Philippine Navy.
Dahil dito, hangad ni Onyok na matanggap sana ni Hidilyn ang tumataginting na ₱43.5 million na cash incentive at pledge para sa kanya bukod pa ang ilang regalo sa kanya ng mga negosyante at kompanya.
"'Yung kay Hidilyn sana matupad para hindi lang si Hidilyn, 'yung iba pang gustong maging athletes na kabataan, magpursige rin na ganun pala kalaki yung mga binibigay," pahayag ni Onyok.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Mansueto "Onyok" Velasco Jr. ay isang retiradong Filipino boxer. Taong 1994 nang makuha niya ang gold medal sa Asian Games. Matapos namang masungkit ang silver medal sa 1996 Atlanta Olympics mula sa 64 na taong paghihintay ng Pilipinas, mas pinili na ni Onyok na pasukin ang showbiz kung saan naging isa siyang komedyante.
Matatandaang maging si Onyok ay dumulog din sa programa ni Raffy Tulfo matapos na mabangga ang kanyang sasakyan at magkaproblema umano sa insurance.
Sa naturang paglapit ni Onyok kay Tulfo, nagpahayag din ng respeto at paghanga si Tulfo kay Onyok at sinabing isa pa siya sa mga nag-cover ng laban nito noong siya pa ay reporter ng PTV4.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh