Boxing champ Onyok Velasco, nagsumbong kay Idol Raffy Tulfo

Boxing champ Onyok Velasco, nagsumbong kay Idol Raffy Tulfo

- Dumulog na rin si ang dating silver at gold olympics medalist na si Mansueto "Onyok" Velasco Jr. kay Raffy Tulfo

- Ito ay kaugnay sa kotse niyang pinagawa na di mai-release ng ng kasa dahil di pa ito bayad ng insurance

- Maayos ang naging usapan ni Onyok at ng insurance sa pamamagitan ni Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang Asian Games silver medalist at Summer Olympics gold medalist na si Mansueto "Onyok" Velasco Jr. ay humingi na rin ng saklolo kay Raffy Tulfo.

Agosto 20 sa programang Raffy Tulfo in Action, hinayag ni Onyok ang naging problema niya sa kanyang sasakyang nabangga at di pa mai-release ng dahil sa insurance ng naka-disgrasya nito.

Kwento ni Onyok, tapos nang magawa ang kanyang sasakyan ngunit wala pa ang tseke ng insurance ng nakabangga sa kanya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Humingi na siya ng tulong kay Idol Raffy dahil sa tumatagal ang pagproseso ng Alpha INsurance ng inaasahang tseke gayung nagawa na ang sasakyan ni Onyok.

Kaya naman kumausap si Idol Raffy ng ahente ng Alpha insurance company upang mabigyang linaw ang reklamo ng boxing champ.

Agad namang nagawan ng solusyon ang problema at sinabing maari nang makuha ang tseke sa Biyernes, Agosto 23.

Ngunit ayon nga kay Idol Raffy, tila matagal pa rin iyon at sana naman ay bigyang konsiderasyon ang minsan nang nagbigay karangalan sa ating bansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Upang mas mapabilis lamang ang proseso, paluluwagan na lang muna ni Onyok ang bayad sa sasakyan upang makuha lamang ito at siya na lang mismo ang babayaran ng insurance.

Bago matapos ang panayam, nagpahayag ng paghanga si Idol Raffy kay Onyok at sinabing isa siya sa mga reporters ng PTV 4 na nag-cover ng mga laban nito.

Si Onyok ay isang retiradong boxer na tubong Bago City, Negros Occidental. Minsan na rin siyang naging komedyante at napanood sa ilang pelikula at programa sa telebisyon.

Taong 1994 nang manalo siya ng gold medal sa Asian games at taong 1996 naman nang makakuha siya ng silver na medalya sa Summer Olympics.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gay Lingo is a huge local phenomenon! Let us see if we can explain the meaning of some slang terms to the rest of the world.

Ano Ang Meaning Ng Dakota Harrison? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel