Onyok Velasco sa P2.5M incentive sa 1996 Olympics: "'Yung 50 percent wala"

Onyok Velasco sa P2.5M incentive sa 1996 Olympics: "'Yung 50 percent wala"

- Muling nagpag-usapan ang ₱2.5 million cash incentive na 'di pa umano nakukuha ng Olympic silver medalist na si Onyok Velasco

- Ito ay matapos ang sunod-sunod na mga 'regalong' natatanggap ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz

- Ayon kay Onyok, ang hindi pagkakuha ng naturang cash incentive mula sa gobyerno ang nag-udyok sa kanya para pasukin ang pag-aartista

- Labis itong pinagtaka noon ng kapwa niya atleta at artista na si Monsour del Rosario lalo na nang maging komedyante si Onyok kung saan madalas pa siyang mabatukan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Habang kabi-kabila ang mga pabuyang natatanggap ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz dahil sa makasaysayan niyang pagkapanalo sa weightlifting competition sa 2020 Tokyo Olympics, muling napag-usapan ang cash incentive na dapat na matanggap ni Mansueto "Onyok" Velasco.

Nalaman ng KAMI na ang ₱2.5 million na cash incentive ng gobyerno para sa 1996 Atlanta olympics silver medalist sa larangan ng boxing ay hindi pa natatanggap ng buo ni Onyok Velasco.

Read also

Chito Miranda at Neri Naig, kinaaliwan sa kanilang mga hirit sa programa ni Raffy Tulfo

Isyu ng ₱2.5 milyong incentive ni Onyok Velasco na 'di pa umano nakukuha, muling lumutang
Mansueto "Onyok" Velasco Jr. (Photo credit: @onyokvelasco)
Source: Instagram

Ayon sa Manila Bulletin, kalahati pa lamang umano ng naturang premyo ang nakuha ni Onyok na siyang nag-udyok din sa kanya upang tuluyang lisanin na ang pagiging atleta.

Nang makapanayam naman ng ABS-CBN si Filipino taekwondo icon Monsour del Rosario na minsan na ring nakasama ni Onyok sa showbiz, diretsahan daw nitong naitanong sa boxing silver medalist kung bakit maaga itong tumiwalag sa Philippine team.

Ayon umano kay Velasco sa pagkakatanda ni Del Rosario, "'Yung pangako sa akin ng gobyerno 50 percent lang ang ibinigay. 'Yung 50 percent wala."

Napakahirap din umano ng training na dinanas noon ni Velasco sa Cuba kung saan nilarawan niya itong 'masakit na bugbugan' para lamang makapasok sa Olympics.

Hindi rin umano sasapat ang sahod niya noon bilang atleta para buhayin ang kanyang pamilya.

Naipahayag din ni Del Rosario ang kanyang paghabag na sana'y hindi nababatok-batukan si Onyok sa mga sitcom gayung isa siya sa maituturing na 'pride' ng Pilipinas pagdating sa Sports.

Read also

Hidilyn Diaz, patuloy na sasabak sa iba pang weightlifting competition

Subalit katwiran nito, "Php20,000 naman kada batok."

Sa ulat ng Summit Express, taong 2016, 20 taon makalipas nang masungkit niya ang silver medal para sa bansa, humingi muli ito ng tulong sa gobyerno upang makuha ang natitirang premyo.

Base sa 1989 Republic Act No. 9064 noong panahon ng pagkapanalo ni Velasco, P5 million ang matatanggap na incentive ng gold medalist, P2.5 million para sa silver medalist habang P1 million para sa makakakuha ng bronze medal.

Subalit nitong 2015, inamyendahan ito kung saan pumalo na sa P10 million ang makukuha ng gold medal sa Olympics, P5 million sa silver medalist at P2 million para sa bronze medalist.

Ito ang dahilan kung bakit P10 million ang dapat na matatanggap ni Hidilyn Diaz sa kanyang makasaysayang pagkapanalo ng unang gintong medalya para sa Pilipinas mula sa Olympics.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Hidilyn Diaz, balak magsulat ng libro kasama ang 'Team HD'

Si Mansueto "Onyok" Velasco Jr. ay isang retiradong Filipino boxer. Taong 1994 nang makuha niya ang gold medal sa Asian Games. Matapos namang masungkit ang silver medal sa 1996 Atlanta Olympics mula sa 64 na taong paghihintay ng Pilipinas, mas pinili na ni Onyok na pasukin ang showbiz kung saan naging isa siyang komedyante.

Matatandaang maging si Onyok ay dumulog din sa programa ni Raffy Tulfo matapos na mabangga ang kanyang sasakyan at magkaproblema umano sa insurance.

Sa naturang paglapit ni Onyok kay Tulfo, nagpahayag din ng respeto at paghanga si Tulfo kay Onyok at sinabing isa pa siya sa mga nag-cover ng laban nito noong siya pa ay reporter ng PTV4.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica