Hidilyn Diaz, patuloy na sasabak sa iba pang weightlifting competition

Hidilyn Diaz, patuloy na sasabak sa iba pang weightlifting competition

- Sa panayam ni Gretchen Ho kay Hidilyn Diaz, nabanggit nito ang mga plano niya matapos masungkit ang gintong medalya sa Tokyo Olympics

- Patuloy pa rin daw siyang sasabak sa iba pang weightlifting competitions tulad ng World Championship, SEA Games at Asian Games

- Sinigurado niyang tuloy-tuloy lamang ang kanyang pagsali sa kompetisyon hangga't kaya pa umano niya

- Gayundin ang training niya na magsisilbing inspirasyon sa mga susunod sa kanyang yapak sa pagiging isang mahusay na weightlifter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaunlak ng panayam ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz kay Gretchen Ho.

Isa sa kanilang mga napag-usapan ay ang mga plano ni Hidilyn matapos niyang masungkit ang pinakaunang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

Nalaman ng KAMI na tila isinantabi muna ni Hidilyn ang pagbuo ng pamilya dahil nang maitanong ito ni Gretchen sa kanya, mga plano sa susunod na kompetisyon ang kanyang nabanggit.

Read also

Hidilyn Diaz, unang binanggit ang pagbibigay sa simbahan mula sa premyong matatanggap

Hidilyn Diaz, patuloy na sasabak sa iba pang weightlifting competition
Si Hidilyn Diaz kasama ang Team HD (Photo credit: @hidilyndiaz)
Source: Instagram
"Maglalaro ako sa World Championship, then magsi-SEA Games ako kasi nagpangako na ako na magsi-SEA Games ako then Asian Games"

Patuloy pa rin umano ang pagsabak ni Hidilyn sa mga kompetisyon gayundin ang pagti-training upang magsilbing inspirasyon umano sa mga susunod sa kanyang yapak.

"Tuloy-tuloy lang kasi ayaw kong ibaba ang standards ng Philippine weightlifting. Gusto ko 'yung susunod sa'kin magaling at tuloy-tuloy ang galing ng mga weightlifters," paliwanag ni Hidilyn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Mas lalong hinangaan si Hidilyn ng marami matapos na makamit ang gintong medalya nang una nitong mabanggit ang pagbibigay sa simbahan mula sa ngayong nasa Php40.5 million na kanyang matatanggap.

Read also

Hidilyn Diaz, unang in-interview ang kanyang coach at BF na si Julius Naranjo

Taos-pusong nagpasalamat si Hidilyn sa suporta ng MVP Sport Foundation. Isa rin ang nasabing Sports Foundation sa magbibigay ng Php10 million kay Hidilyn sa pagkapanalo ng pinakaunang ginto ng bansa sa Olympics.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica