Talent Agency, umalma sa fake news na pinapakalat tungkol kay Buknoy Glamurrr

Talent Agency, umalma sa fake news na pinapakalat tungkol kay Buknoy Glamurrr

- Isang pahayag ang inilabas ng talent agency na Star Image Artist Management

- Ito ay matapos kumalat ang fake news tungkol sa vlogger na si Buknoy Glamurrr

- Pinabulaanan nila ang pinakalat na malisyosong balita na umano ay naaresto si Buknoy

- Nadamay pa ang Catholic church sa nasabing fake news at hindi ito pinalampas ng Star Image

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ng talent agency na may hawak kay Buknoy Glamurrr ang tungkol sa fake news na kumalat sa social media. Mariin nilang pinabulaanan ang malisyosong balitang naaresto umano si Buknoy dahil sa umano'y pagtimpla nito ng orang juice sa holy water sa isang simbahan.

Nakasaad din sa nasabing post na sinabi umano ni Buknoy na prank lamang iyon para sa kanyang vlog.

9th article Entertainment News Entertainment News Entertainment News Entertainment News
Buknoy Glamurrr (officiallybuknoy)
Source: Instagram

Aminado ang sila na may mga nagawang mali si Buknoy ngunit hindi na umano tama na pati ang simbahan ay dinapay pa.

Read also

Maria Hofs, binigyan si Marjorie Abastas ng pera bukod pa sa bayad niya

"Yes, Buknoy committed mistakes in the past, but spreading fake news and mocking the Catholic Church is ungodly."

Para sa page na naglabas ng nasabing Facebook post, pinaalalahanan nilang maging responsable sa kanilang nilalabas.

Pinuna din nila ang paggamit ng naturang page ng kahawig na logo ng Philippine Star.

"To Philippine Star, your logo is being used/imitated to spread this immoral kind of post. Please act accordingly."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Buknoy Glamurrr ay isang YouTube content creator na nakilala matapos ang kanyang kontrobersiyal na vlog kung saan tila hinahamak niya ang isang tricycle driver. Ginawa niya itong halimbawa para sa mga kabataan para mag-aral para umano hindi magaya sa mga ito.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsasagutan nina Awra at Buknoy noong nakaaraan. Maging ang social media artist na si Xander Ford ay nadawit sa gulo nang kampihan niya si Buknoy. Kinalaunan ay humingi ng dispensa si Buknoy matapos makatanggap ng matinding mga pamba-bash.

Read also

Tiktoker na minura si Yorme Isko Moreno, napaiyak habang humingi ng dispensa

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate