Emosyonal na pagpapaalam ni Jimmy Alapag sa anak, umantig sa mga netizens

Emosyonal na pagpapaalam ni Jimmy Alapag sa anak, umantig sa mga netizens

- Ibinahagi ni LJ Moreno ang isang vlog sa kanilang YouTube channel na Alapag Family Fun

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Naging emosyonal ang pagpapaalam ng asawa niyang si Jimmy Alapag sa anak nila habang nasa airport na sila

- Ani LJ, ito ang unang pagkakataon na magkakalayo sila ng kanyang asawa nang mahabang panahon

- Matatandaang lumabas sa ilang online showbiz news ang pagiging isa sa assistant coach ni Jimmy sa The Sacramento Kings para sa NBA Summer League

Sa kanilang YouTube channel, ibinahagi ni LJ Moreno ang huling araw na nakasama nila ang asawa niyang si Jimmy Alapag bago ito umalis upang pumunta sa kanyang bagong trabaho na ayon sa kanilang mag-asawa ay pinangarap na ng basketbolista noon pa.

Emosyonal na pagpapaalam ni Jimmy Alapag sa anak, umantig sa mga netizens
The Alapag Family (@thelollicakechic)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Derek Ramsay, isiniwalat na 'positive control stick' ang nagamit sa swab test ni Ellen Adarna

Hinatid ni LJ at ng anak nilang si Ian si Jimmy sa airport. Hindi napigilang maiyak ni Ian nang yakapin niya ang kanyang dada bago ito tuluyang umalis.

Marami naman sa mga netizens ang naantig sa tagpong ito:

Wow I was so touched with Ian crying ... Ian so attached with his dada and follow his dada footsteps in sport .. I pray the you be successful like your dada .. keona and calen also ae lovable kids, congrats!
It was so heartbreaking when I watched kuya Ian cried so hard. Congrats Coach Jimmy on whatever new blessing you’ve received. You and Ms LJ are such a loving parents. Hi also to Calen and Keona
Naiyak naman ako..sobrang mapagmahal naman ng dada jimmy kaya sobra mahal xa ng mga kids nya..hi din lj ganda ng pagpapalaki mo poh s mga kids nyo..ingat poh kayo good luck c new work poh sir jimmy

Read also

Billy Crawford, ibinida ang kanyang hardworking na misis

Si LJ Moreno o si Lari Jeanne Lacsamana Ricafort sa totoong buhay ay isang aktres na nakilala sa mga pelikulang Di kita ma-reach (2001), The Leaving (2010) at Sgt. Maderazo: Bayad na pati kaluluwa mo (2001). Ikinasal siya sa professional basketball player na si Jimmy Alapag noong August 19, 2010.

Matatandaang taong 2020 nang isapubliko ng mag-asawa ang tungkol sa kanilang pangingibang bansa. Sa kasalukuyan, mayroong YouTube channel si LJ kasama ang kapwa aktres na si Ruffa Mae Quinto.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel