Jinky Oda, ibinahagi ang buhay niya bilang isang security officer sa California

Jinky Oda, ibinahagi ang buhay niya bilang isang security officer sa California

- Nakasama nina LJ Moreno at Ruffa Mae Quinto sa kanilang YouTube channel na Wander Mamas ang dating komedyanteng kilala bilang si Jinky Oda

- Matapos nga nitong manirahan sa ibang bansa pagkatapos ng kanyang sitcom sa GMA-7, napagpasyahan niyang manirahan na sa California upang makasama ang kanyang anak

- Naging caregiver siya noon hanggang sa nakakilala siya ng isang taong naging tulay para makapasok siya sa kasulukuyan niyang trabaho

- Sa kasalukuyan ay isa siyang security officer at nagtatrabaho siya sa isang kompanyang gumagawa ng mga kotse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa YouTube channel nina Ruffa Mae Quinto at LJ Reyes na Wander Mamas, nakasama nila ang dating komedyanteng si Jinky Oda o nakilala din sa bansag na Bale.

Dito naikwento niya ang kanyang naging buhay matapos niyang mapagpasyahang manirahan sa ibang bansa pagkatapos ng kanyang sitcom sa GMA-7 noon na Vampire ang Daddy ko.

Read also

Sherilyn Reyes, idinetalye ang aksidenteng dinanas sa bahay nila

Jinky Oda, ibinahagi ang buhay niya bilang isang security officer sa California
Jinky Oda (@im4evervictorious)
Source: Instagram

Ayon kay Jinky, dati siyang nagtrabaho bilang care giver noong una. Hanggang sa mayroon siyang nakilalang tao na naging daan upang makapasok siya bilang isang security officer.

Napakwento din siya tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Samantala sa isang panayam sa kanya ni Karen Davila, sinabi niyang nagtatrabaho siya sa isang kompanya na gumagawa ng self-drive na sasakyan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagsimula si Jinky Oda o nakilala din sa bansag na Bale bilang komedyante noong dekada 80 hanggang dekada 90. Sa programang Okay Ka Fairy Ko, gumanap siya ng karakter bilang Bale kung saan nakasama niya ang mga mahuhusay na komedyante tulad na lamang ni Bossing Vic Sotto.

Hindi lamang si Jinky ang Pinoy na artistang piniling manirahan sa ibang bansa. Ilan sa mga kilalang TV personality na nangibang bansa ay sina Bangs Garcia, Jewel Mische, Krista Ranillo at marmi pang iba.

Read also

Ai-Ai delas Alas, nanggigil sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate