Sherilyn Reyes, idinetalye ang aksidenteng dinanas sa bahay nila

Sherilyn Reyes, idinetalye ang aksidenteng dinanas sa bahay nila

- Ibinahagi ni Sherilyn Reyes ang kanyang karanasan sa mismong bahay nila na ikinabahala nang sobra ng kanyang pamilya

- Base sa kanyang kwento ay mabilis ang pangyayari at namalayan na lamang niyang binubuhat na siya ng kanyang asawa

- Nawalan siya ng malay at dumugo ang kanyang ulo matapos tumama sa gilid ng kanilang higaan

- Bumuhos naman ang mensahe para sa aktres at marami din sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ang labis na nag-aalala sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Sherilyn Reyes-Tan ang kanyang karanasan na muntik na umano niyang ikinamatay. Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ng aktres ang pangyayari na nagdulot ng matinding takot sa kanyang pamilya.

Sherilyn Reyes, binahaging muntik na siyang mamatay matapos maaksidente
Sherilyn Reyes-Tan (@sherilynrtan)
Source: Instagram

Dumugo umano ang ulo niya matapos tumama ang kanyang ulo sa gilid ng kanilang higaan. Nawalan siya ng malay ngunit dahil naroroon ang kanyang pamilya ay naagapan ang kanyang kalagayan.

Read also

Jinky Oda, ibinahagi ang buhay niya bilang isang security officer sa California

Sa isa pang post, ay pinasalamatan ni Sherilyn ang isang doktor sa umano'y pag-responde nito sa kaniyang emergency.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sherilyn Reyes-Tan ay isang aktres na nakilala noong dekada 90. Si Ryle Santiago o Ryle Paolo Sebastian Reyes Santiago sa tunay na buhay ay nakilala matapos maging bahagi ng all-male group na Hashtags na dating napapanood sa noontime show na It's Showtime. Bukod sa husay sa pagsayaw, isa din siyang mang-aawit at aktor. Siya ay anak ng aktres na si Sherilyn Reyes-Tan sa kapatid nina Rowell at Randy na si Junjun Santiago.

Kasabay ng paglaganap ng paggamit ng social media, marami sa mga artista ang nagiging biktima ng mga pang-iinsulto at panghahamak ng mga bashers. Ilan sa mga kilalang artista na hindi pinapalampas ang mga bashers ay sina Bela Padilla, Pokwang, Franki Pangilinan at marami pang iba.

Read also

Robi Domingo, pinakita ang kanyang sariling walk-in closet

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate