Ai-Ai delas Alas, nanggigil sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya

Ai-Ai delas Alas, nanggigil sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya

- Hindi na nakapagtimpi si Ai-Ai delas Alas sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya

- Ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa nagpapakalat na pumanaw na umano siya dahil sa diabetes

- Hindi din napigilan ng komedyante na makapagmura dahil sa sobrang sama ng loob niya sa mga taong ito

- Na-stress umano ang kanyang ate at mga kaibigan matapos lumabas ang naturang fake news

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minabuti ni Ai-Ai delas Alas na ilabas ang kanyang sama ng loob sa nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya. Isang screenshot ang kanyang ibinahagi kung saan makikita ang isang YouTube video na may pamagat na pumanaw na umano siya.

Ai-Ai delas Alas, nanggigil sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya
Photo from Ai-Ai delas Alas (@msaiaidelasalas)
Source: Instagram

Hindi na nakapagtimpi si Ai-Ai at nakapagmura ito sa pinalabas na balitang pumanaw siya dahil sa sakit na diabetes. Paliwanag niya, imposible iyon dahil halos prutas at coco sugar na lamang ang sugar sa kanyang katawan.

Read also

Guro na isinilang at lumaki sa loob ng piitan, inspirasyon ang dala dahil sa dinanas sa buhay

Aniya, nataranta ang kanyang ate at mga kaibigan matapos lumabas ang naturang balita.

Sa totoo lang mga g*go gumagawa nito ... na stress ate ko dito at saka iba kong friends sa abroad ano ba napapala nyo sa pag gawa ng ganito ???pampadami ng views.. ( sa ganitong paraan ???kung ano ano nalang namatay daw ako sa sakit na diabetes.

Hindi naman napigilang mag-react ng anak ni Ai-Ai na si Sancho Vito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan ay isang performer, comedienne at film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit.

Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, hindi pinalampas ng anak ni Ai-Ai ang pangmamaliit ng isang basher sa kursong kanyang tinapos.

Read also

Sherilyn Reyes, idinetalye ang aksidenteng dinanas sa bahay nila

Ito ay matapos ibahagi ni Ai-Ai kung gaano siya ka proud sa anak niya na nagtapos kamakailan ng kolehiyo.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate