Guro na isinilang at lumaki sa loob ng piitan, inspirasyon ang dala dahil sa dinanas sa buhay
- Tunay na kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng isang guro na aminadong lumaki sa loob ng piitan
- Buntis sa kanya ang ina nang makulong ito at ang kanyang lola at dahil walang mag-aalaga sa kanya, nanatili siya sa kulungan
- Sa tulong ng mga inmates, jail officer at maging mga pari sa Pampanga, nakapagtapos pa siya ng pag-aaral
- Isa na siyang ganap na guro na pusigidong makapagtapos ng Master's Degree para iparanas sa ina ang pagdalo sa graduation
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Labis na nakakaantig ng puso ang kwento ng 27-anyos na guro na si Paul Oliver Pili o mas kilala bilang si "Pao".
Nalaman ng KAMI na isinilang at lumaki si Pao sa loob ng piitan sa loob ng 25 na taon.
Kwento ng guro, buntis ang kanyang ina sa kanya nang makulong ito kasama ang kanyang lola dahil sa kasong Estafa.
At dahil wala namang ibang mag-aasikaso sa kanya, nanatili siya sa loob ng piitan.
Kahit na nasa loob ay sinikap pa rin ng kanyang ina na mabigyan siya ng normal na buhay.
Pinag-aral siya nito sa tulong na rin ng mga inmates na nagpapaabot ng anumang suporta sa kanya.
Iskolar pa siya sa pinasukang paaralan at hindi naging hadlang sa kanyang pag-aaral ang pagtira sa loob ng piitan.
Ngayong 27 anyos na siya, nakalaya na rin ang kanyang ina at lola na labis ang kasiyahan sa sinapit ni Pao.
Sinisikap niyang maka-graduate sa kanyang Master's Degree para makadalo naman ang kanyang mga mahal sa buhay ng kanyang graduation.
Narito ang kabuuan ng video mula sa NXT Profiles ng ABS-CBN News:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, ilang guro din ang hinangaan dahil sa paglusong nito sa rumaragasang tubig makapaghatid lamang ng learning modules nilang mga estudyante.
Minsan ding nag-viral ang video ng mga guro na matiyagang sumakay sa payloader truck para lamang madala ng mga modules sa kanilang mga mag-aaral na nag-aabang para rito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh