Ilang guro sa Mindoro, sumakay ng payloader truck makapaghatid lang ng learning modules

Ilang guro sa Mindoro, sumakay ng payloader truck makapaghatid lang ng learning modules

- Sumakay pa talaga ng payloader truck ang ilang guro sa Oriental Mindoro para maitawid ng maayos ang mga learning modules para sa kanilang mga estudyante

- Sa ngayon, ang naturang mga modules ang inaasahan ng nasa 200 nilang mga estudyante dahil sa walang maayos na internet connection ang kanilang lugar

- Bukod pa rito, wala ring mga gadgets ang mga estudyante para magamit sana sa online classes

- Agosto 24 na ang itinakdang pagbubukas ng klase para sa panuruang taon 2020-2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang guro sa Mindoro, sumakay ng payloader truck makapaghatid lang ng learning modules

Mga guro ng P. Olarte Elementary School (Screengrab from video of MIchelle Leviste)
Source: Facebook

Kahanga-hanga ang diskarte ng ilang mga guro sa Oriental Mindoro na naisipan pang sumakay ng isang payloader truck upang maayos lamang na maihatid ang mga learning modules ng kanilang mga estudyante.

Nalaman ng KAMI na sila ay mga guro ng P. Olarte Elementary School sa Roxas at itatawid nila ng ilog ang mga modules para sa kanilang mga estudyante.

Ayon sa panayam ni Zhander Cayabyab ng ABS-CBN News sa mga guro, ang mga learning modules ang gagamitin ng nasa 200 nilang mag-aaral dahil hindi lahat ng kailang mag-aarala ay may magagamit na gadget para sa online classes.

Ang ilan naman na mayroong gadgets, internet connection naman ang magiging problema lalo na sa mga liblib at malalayong barangay.

"Ia-assess namin ngayon paano ang pinakamadaling paraan para makuha ang modules ng mga bata," pahayag ni Michelle Leviste, isa sa mga guro.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Katatapos lamang umulan nang makiusap sila sa nagpapaandar ng panghakot ng graba at bato na kung maaari ay isakay na lamang sila upang maayos na makatawid sa ilog.

"Huwag nating hayaan na maging hadlang ang pandemiyang ito sa ating pagkatuto. Instead gawin niyo itong dahilan upang magsumikap pa," pahayag ng isa pang guro na si Sunshine Falsario.

Mahirap man ang dinaranas nila sa paghahatid ng mga modules, buong tapang pa rin daw nilang babalikan ang mga modules na ito masiguro lamang na tuloy ang pagkatuto ng kanilang mga estudyante.

Kaya naman, panawagan din nila sa mga magulang na makipagtulungan lalo na at nasa bahay pa rin ang mga bata habang sila ay nag-aaral.

Patunay lamang na hindi matatawaran ang dedikasyon ng mga guro na kahit sa gitna ng pandemya ay handang makipagsapalaran upang maipagpatuloy pa rin ang edukasyon ng mga mag-aaral.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agosto 24 ang itinakdang araw ng pagbubukas ng klase para sa panuruang taon 2020-2021 ayon sa Department of Education.

Binigyang linaw din ng naturang kagawaran na hindi obligado na bumili ng smartphone, tablet o laptop ang mga mag-aaral dahil may ilang paraan pa ng pagkatuto bukod sa online classes.

Isa na rito ang modular learning na ginagawa ng mga guro sa Oriental Mindoro na inaasahang gagawin din ng iba pang guro sa iba't ibang panig ng bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel