Raffy Tulfo, tahasang sinabing hinding-hindi mag-eendorso ng sigarilyo
- Bilang isang dating naninigarilyo at umiinom ng alak, ibinahagi ni Raffy Tulfo kung ano ang nagtulak sa kanya upang tuluyang talikuran ang dating bisyo
- Aniya, napagtanto niyang kailangan niyang tumigil lalo at laging nagrereklamo ang kanyang misis at palagi din siyang nagpupunta ng doktor
- Ayon pa kay Idol Raffy, para sa mga lalaking gustong tigilan na ang bisyo, kakayanin nila iyon dahil nagawa niyang talikuran ang bisyo para sa kanyang kapakanan at sa kanyang mahal sa buhay
- Dagdag pa niya, kahit bigyan siya ng isang bilyong endorsement fee ay hinding-hindi siya mag-eendorso ng sigarilyo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa panibagong vlog na ibinahagi ni Karen Davila, ibinahagi ni Raffy Tulfo na dati siyang umiinom ng alak at naninigarilyo.
Gayunpaman, napagtanto niyang kailangan niya nang itigil ang kanyang bisyo dahil lagi siyang pumupunta sa doktor at lagi din umanong mainit ang kanyang ulo.
Napupuna din umano ng kanyang asawa ang amoy niya dahil sa kanyang bisyo.
Nang tanungin naman ni Karen si Raffy tungkol sa pag-eendorso ng sigarilyo, mariing sinabi ng news anchor na kahit bigyan pa siya ng isang bilyong endorsement fee ay hinding-hindi siya mag-eendorso ng sigarilyo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.
Naglunsad din sila ng kanilang community pantry upang makapagbigay tulong sa mga hirap para sa pang-araw-araw na pagkain. Nakaikot ito sa pitong barangay sa Kamaynilaan.
Kamakailan, isang litrato ng matanda na naghahanapbuhay at namumuhay nang mag-isa ang nakarating kay Raffy Tulfo at nangako itong magbibigay ng tulong sa matanda.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh