Karen Davila, namangha sa mala-department store na shoe collection ni Idol Raffy
- Hindi maitago ni Karen Davila ang kanyang pagkakamangha sa shoe collection ni Raffy Tulfo
- Isa-isa niyang pinakita ang kanyang mga branded at mamahaling koleksiyon na ayon kay Raffy ay karamihang asawa niya ang bumili
- Kwento ni Raffy, noong nag-aaral pa lamang siya, dalawa lamang ang kanyang sapatos
- Naranasan din umano niyang manghiram lamang ng sapatos mula sa kanyang kuya at kamag-anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pagdating sa koleksiyon ng mga sapatos, isa si Raffy Tulfo sa mga kilalang personalidad na may pinakamarami at talaga namang sosyaling brand ang nasa kanyang koleksiyon.
Sa vlog ni Karen Davila ay ipinakita niya ito. Naikwento ng news anchor na noong bata pa lamang siya ay nanghihiram lamang siya ng sapatos. Dalawa lang umano ang kanyang sapatos noong nag-aaral siya.
Kwento niya pa, bilang isang napakasupportive na asawa ang kanyang misis, ito mismo ang bumibili ng mga sapatos niya nang makita niyang mahilig din sa sapatos si Raffy.
Sa kasalukuyan, ilan sa kanyang mga branded na sapatos na kanyang nagamit na ay ibinebenta ni Idol Raffy at ang kanyang napagbebentahan ay napupunta sa charity.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action ay nagsisilbing takbuhan ng mga taong walang malapitan lalo na kung sila ay naaapi at nagigipit. Maging ang mga taong walang kakayahang magbayad para sa abogado ay kanilang tinutulungan.
Naglunsad din sila ng kanilang community pantry upang makapagbigay tulong sa mga hirap para sa pang-araw-araw na pagkain. Nakaikot ito sa pitong barangay sa Kamaynilaan.
Kamakailan, isang litrato ng matanda na naghahanapbuhay at namumuhay nang mag-isa ang nakarating kay Raffy Tulfo at nangako itong magbibigay ng tulong sa matanda.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh