Beks Friends, todo pasalamat kay Vice Ganda para sa binigay nitong jacuzzi

Beks Friends, todo pasalamat kay Vice Ganda para sa binigay nitong jacuzzi

- Ibinahagi ng grupong Beks Friends sa kanilang YouTube video ang muli nilang pagpunta sa lumang bahay ni Vice Ganda sa Green meadows

- Sama-sama sina Ton Soriano, Orli, at Kitty Montecarlo na pumunta sa bahay ni Vice upang kunin ang binigay ni Vice Ganda sa kanila na jacuzzi

- Naipakita na rin nila ang nasabing jacuzzi nang gamitin nila ito sa kanilang vlog noong bago pa lamang nakalipat si Vice sa bagong bahay niya

- Isang truck ang ginamit nila upang isakay ang jacuzzi papuntang Beks Battalion house kung saan sila nakatira kasama sina Chad Kinis, MC at Lassi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinasalamatan ng todo nina Ton Soriano, Orli, at Kitty Montecarlo si Vice Ganda para sa binigay nito sa kanilang mga gamit sa bahay mula sa lumang bahay niya sa Green Meadows.

Kabilang nga sa mga binigay sa kanila ay ang jacuzzi na dati na nilang naipakita sa kanilang vlog nang gamitn nila ito noong nakaraang taon.

Read also

Alwyn Uytingco, humingi ng tawad sa asawa kasunod ng mensahe ng kanyang biyenan

Beks Friends, todo pasasalamat kay Vice Ganda para sa binigay nitong jacuzzi
Ion Perez and Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Dala nila ang susi ng bahay na pinahiram sa kanila ni Vice at nilibot nila ito kung meron pang mga bagay na maari nilang maipagpaalam kay Vice Ganda na kilala bilang generous lalo na sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Kalaunan ay dumating na ang trak na kumuha ng jacuzzi, na dinala sa bahay ng Beks Battalion.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Read also

Jennica Garcia, lalong gumanda at nagmukhang mas bata ayon sa mga netizens

Kasunod nito ay agad na humingi ng dispensa ang dalawa matapos silang patawan ng suspensiyon at pinagmulta ng talent agency na may hawak sa kanila.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel