Nanay, napaluhod at napahagulgol nang makaharap ang anak na sumama sa lalaki

Nanay, napaluhod at napahagulgol nang makaharap ang anak na sumama sa lalaki

- Dumulog na sa prorama ni Raffy Tulfo ang isang ina para mabawi ang kanyang menor de edad na anak

- Ang kanyang 15-anyos na anak ay sumama sa isang 30-anyos na lalaki na nakilala lamang umano niya sa Facebook

- Hindi napigilang mapahagulgol at mapaluhod ng ina nang muli niyang makaharap ang kanyang anak

- Sa kabila ng pakiusap ng kanyang anak na huwag kasuhan ang 30-anyos na lalaki, itinuloy ng ina ang kanyang pagsasampa ng kaso dahil sa umano'y pambababoy nito sa kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minabuti ng isang ginang na humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo kaugnay sa kanyang menor de edad na anak na sumama sa isang lalaking kanyang nakilala umano sa social media. Ang kanyang anak ay 15 anyos lamang samantalang 30-anyos na ang nasabing lalaki.

Nanay, napaluhod at napahagulgol nang makaharap ang anak na sumama sa lalaki
Screenshot from Raffy Tulfo in Action YouTube channel
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Claudine Barretto, sinabing si Raymart Santiago ang kanyang "favorite mistake"

Marami ang naantig sa tagpong nagkaharap na ang mag-ina. Hindi napigilang humagulgol at napaluhod ang ina habang kinakausap ang anak na aminadong may galit umano sa kanyang ina.

Nakiusap pa ito sa kanyang ina na iatras nito ang kaso sa lalaking mahal na mahal daw niya. Gayunpaman, nagmatigas ang kanyang nanay at desisdido itong panagutin ang lalaki sa ginawa umano nito sa kanyang anak.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens:

Di deserved ng Nanay lumohod sa anak. Ang sakit makita Ng ganito.
Its so heartbreaking to see you cry and kneel down nanay, nakakalungkot mga bata ngayon kala nila solusyon ang pag ibig! Napakabata mo pa para magsabi ng mahal mahal.
Bilang ofw, at may mga anak, parang sasabog ang dibdib ko.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang pangingibang bansa ang isa sa itinuturing ng karamihan na sagot sa kahirapan ng buhay sa bansa. Marami sa mga Pinoy ang nagsasapalaran sa ibang bansa sa pag-asang makaahon sa kahirapan kahit pa ang kapalit nito ay malayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Read also

Ogie Alcasid, buong pagmamalaking ibinida ang tunay na ganda ng asawa

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Karamihan sa mga nagiging problema ng mga Overseas Filipino Workers ay ang pagmamaltrato sa kanila ng kanilang amo. Mayroon din namang nagkakaproblema sa pamilya dahil sa pagkakaroon ng kalaguyo ng kanilang mga asawa o karelasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate