Pinoy couple sa Canada, dalawang beses nanalo sa lotto sa loob ng wala pang isang taon

Pinoy couple sa Canada, dalawang beses nanalo sa lotto sa loob ng wala pang isang taon

- Isang Fil-Canadian couple ang nagwagi hindi lamang is kundi dalawang beses sa lotto

- Ang masaya pa rito, nangyari lamang ito sa loob lamang ng ilang buwan na pagitan

- Aminadong hindi sila makapaniwala sa nangyari at hindi rin nila maipaliwanag ang kanilang naramdaman

- Inilaan nila ang pera pambayad sa mortgage at nai-plano na nila ang pagpunta sa Hawaii kasama ang kanilang buong pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napasayaw sa tuwa ang Filipino couple sa Canada na sina Liezl Panganiban and Edgar Ebreo nang manalo silasa lotto ng halagang $675,000 o katumbas ₱32.3 million.

Nalaman ng KAMI na hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo ang mag-asawa sa lotto.

Noong Setyembre ng 2020, una na silang pinalad sa Lotto 6/49 at nakatanggap na ng $500,000.

Pinoy couple sa Canada, dalawang beses nanalo sa lotto sa loob ng wala pang isang taon
Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Vice Ganda, nagpatutsada sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN pagkalipas ng 1 taon

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang mag-asawa lalo na at tumataginting na mahigit $1,000,000 na ang kanilang napanalunan ayon sa Inquirer.

“We feel really blessed and very thankful to be winners,” pahayag ni Panganiban sa panayam sa kanya ng BC Lottery Corporation na naibahagi tin ng Manila Bulletin.

Kwento ni Ebreo, binili lamang nila ang ticket sa isang 7 eleven store at si Panganiban naman ang nag-scratch ng card. Hindi raw talaga sila makapaniwala at hindi rin nila maipaliwanag ang kanilang nararamdaman noon.

Sa ulat ng Abante, sinabing inilaan na nag couple ang pera pambayad ng kanilang mortgage at nakaplano na rin silang mag-travel patungo sa Hawaii.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nito lamang Pebrero, isang pamilya rin na nasa Canada ang nanalo ng katumbas ₱2.2 billion.

Read also

Pari na inakusahan ng pakikiapid, nagawang mag-sorry sa kumakalat na viral video

Nito lamang nakaraang taon 2020, nanalo ang isa rin nating kababayan sa UAE sa lotto roon gamit ang pinakahuling pera niya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nawalan din ng trabaho ang kababayan nating ito kaya naman naging emosyonal siya nang malamang nanalo siya.

Ganoon din ang kapalaran ng kababayan natin na janitor sa Canada kung saan nanalo rin siya sa lotto ng CAD7M o katumbas ng ₱272 million.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel