Gena Mago, sinabing ipapabura ni Xander Arizala ang FB page na gamit niya

Gena Mago, sinabing ipapabura ni Xander Arizala ang FB page na gamit niya

- Nilabas ni Gena Mago ang screenshot ng mensahe na umano ay pag-uusap nila ni Xander Arizala

- Aniya, ipapabura nito ang Facebook Page na gamit niya na 'Mom Gena & Baby Xeres

- Base sa mensahe sa screenshot, ipapabura raw ni Xander ang page dahil nakalagay ang kanyang logo

- Nagpasalamat naman si Gena sa suporta ng kanilang mga followers sa kanilang mag-ina

Binahagi ni Gena Mago na pinapapabura si Xander Arizala ng Facebook Page na gamit ni Gena Mago, na may pangalang 'Mom Gena & Baby Xeres'. Sa post ni Gena, ipinakita niya ang screenshot ng umano'y pag-uusap nila ni Xander.

Gena Mago, sinabing ipapabura ni Xander Arizala ang FB page na gamit niya
Gena Mago, sinabing ipapabura ni Xander Arizala ang FB page na gamit niya
Source: Facebook

Sa naturang screenshot, ipinahayag ni Gena Mago na plano ni Xander na ipabura ang Facebook Page na kanilang ginagamit. Sinabi niya na ang dahilan dito ay ang pagkakaroon ng logo ni Xander sa nasabing page.

Read also

Yasmien Kurdi, dismayado matapos tanggalin ang kanilang gender reveal post

Pwede daw siyang magbayad para ipabura ito.

Sa kabila nito, nagpasalamat si Gena Mago sa suporta ng kanilang mga tagasubaybay sa kanilang mag-ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ipapadelete daw po ni xander arizala yung page ko. Kaya if ever man po mawala yung page ko wala po ako magagawaSobrang maraming salamat po sa sumuporta sa amin ni baby Xeres. Mahal po namin kayo lahat

Matatandaang kinumpirma na ni Xander na single na siya uli matapos daw nila maghiwalay ni Gena.

Xander Ford ay ang dating pangalang ginamit ni Marlou Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang nagkalat na mga fake news: "Naku, mag-ingat po tayo"

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel