Yasmien Kurdi, dismayado matapos tanggalin ang kanilang gender reveal post

Yasmien Kurdi, dismayado matapos tanggalin ang kanilang gender reveal post

- Naglabas ng saloobin si Yasmien Kurdi matapos i-takedown ang gender reveal post niya sa social media

- Ang dahilan na binigay sa kanila kung bakita ito tinanggal ay bullying and harassment

- Pinagtataka niya ito dahil aniya ay hindi niya maintindihan kung paano naging offensive ang naturang post

- Dagdag pa niya, ang ilang post nga na nagpapakita ng kabastusan ay tanggap na tanggap

Ikinadismaya ni Yasmien Kurdi ang nangyari matapos na biglang tanggalin ang kanyang gender reveal video mula sa Facebook at Instagram dahil sa alegasyon ng "bullying and harassment."

Yasmien Kurdi, dismayado matapos tanggalin ang kanilang gender reveal post
Yasmien Kurdi, dismayado matapos tanggalin ang kanilang gender reveal post
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram page, ipinost ng aktres ang isang screenshot ng abiso na ipinadala sa kanya, kung saan ipinakita na ang kanyang video ay tinanggal dahil sa paglabag umano sa Community Standards ng nasabing social media platform.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Alex Gonzaga, pinarinig ang pagkanta ni Mikee Morada ng 'Asoka trend': "LSS sya"

Hindi maunawaan ni Yasmien kung bakit kinailangang tanggalin ang kanyang gender reveal post, lalo na't mayroon namang ibang mga nilalaman sa mga platform na may mas malalaswang at mapanakit na nilalaman na hindi naman agad naaaksyunan.

"Ang i-report n'yo po ay ang mga malalaswang contents, huwag po 'yung wholesome contents. Isipin po natin ang mga anak at magiging anak natin. Anong klaseng mundo ba natin sila gusto palakihin?" ani pa ni Yasmien.

Noong Nobyembre, ipinaalam nina Yasmien at kanyang asawang si Rey Soldevilla ang tungkol sa pagbubuntis ng aktres.

Si Yasmien Yuson Kurdi-Soldevilla ay sumikat bilang isang pop singer, songwriter, actress at model. Kabilang siya sa final four ng unang season ng reality-based talemt search sa GMA na Starstruck. Tinanghal siyang first runner-up sa naturang show.

Kabilang si Yasmien sa mga artistang nagdalamhati sa pagpanaw ng news anchor na si Mike Enriquez. Nagbigay-pugay si Yasmien sa beteranong broadcaster sa pamamagitan ng isang Facebook post. Nabanggit niya ang tungkol sa magandang katangian ni Mike. Aniya, nagfi-fist bump pa ito sa kanya pag nakakasalubong niya sa lobby.

Read also

Kristine Hermosa, bukas sa muling pagtatambal nila ni Jericho Rosales sa tamang proyekto

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Yasmien ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Buntis siya sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Rey Soldevilla Jr. Sa kanyang post ay binahagi niya ang kanilang family picture kasama ang sonogram ng kanilang baby.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel