Cristy Fermin, inalmahan ang nagkalat na mga fake news: "Naku, mag-ingat po tayo"

Cristy Fermin, inalmahan ang nagkalat na mga fake news: "Naku, mag-ingat po tayo"

- Inalmahan ni Cristy Fermin ang mga patuloy na kumakalat ng mga fake news

- Nagbigay siya ng ilang mga halimbawa na kumalat na balitang wala naman umanong katotohanan

- Nagpaalala rin siya ukol sa deep fake na isa umanong AI, na kayang gayahin na mismo ang isang personalidad na parang sila mismo ang nagsasalita

- Nagbabala rin si Cristy na baka dumating umano ang araw na maging sila ay mabiktima nito at huwag basta-bastang maniniwala

Maging si Cristy Fermin ay umalma sa mga naglalabasang fake news kamakailan lamang.

Cristy Fermin, inalmahan ang nagkalat na mga fake news
Cristy Fermin, inalmahan ang nagkalat na mga fake news (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Patuloy na dumarami ang mga naglalabasang quote cards na karamihan umano ay walang katotohanan ang nilalaman.

"'Yung mga quote cards na tinatawag. Naku mag-ingat po tayo. Kawawa ang mga personalidad na nalalagay sa alanganin nang wala pong kinalaman."

Una niyang binigay na halimbawa ay sina Rommel Padilla, ama ni Daniel Padilla. Sa naglabasang quote cards, sinabi raw umano ni Rommel na natural lamang na lapitin ng babae si Daniel dahil sa itsura nito at ang mahalaga raw umano ay si Kathryn ang mahal nito.

Read also

Michael V, pinabulaanang magtatapos na ang "Pepito Manaloto"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi po gagawin ni Rommel Padilla 'yan, hindi niya sasabihin. At alam na rin po natin na gwapo si Daniel hindi na kailangan na idiin pa," giit ni Cristy.

Matatandaang pinalagan na rin mismo ni Rommel at pinabulaanan ang naglabasang quote cards.

Sumunod nilang tinalakay ay ang umugong na pagsasara umano ng Eat Bulaga.

"Naku, wag na 'wag po tayong maniniwala diyan. Naglabas na po ng ebidensya ang Tito, Vic and Joey, ang TVJ productions. Makikita po natin talaga na peke po talaga ang news na ito, Gawa-gawa po ito ng mga taong walang magawa sa buhay."

Agad naman niyang sinunod ang pagtalakay sa napabalitang magbabalik showbiz na si Angel Locsin.

"Eto pa ang isa pang fake news, Angel Locsin, magbabalik pelikula na at telebisyon. Pero magiging Kapuso na ulit."

Read also

Kristine Hermosa, bukas sa muling pagtatambal nila ni Jericho Rosales sa tamang proyekto

"Meron pa yung sasabihin na si Angel Locsin at Neil Arce, hiwalay na. At eto ang totoong istorya, meron pang link pag ginanon mo san mapupunta?" ani Cristy"Sa shoppee" ang sagot naman ni Romel Chika.

"Kaya 'wag po tayong click nang click. sa bawat click, kumikita po 'yang mga manloloko na 'yan"

Nabanggit din niya ang bagong kumakalat ngayon ang deep fake kung saan nagagaya na ang mga kilalang personalidad na aakalain talaga ng marami na sila mismo ang gumagawa o nagsasabi ng mga bagay-bagay.

"Ito po ang bago, deep fake. AI yan. Artificial intelligence. Alam niyo po ba na nagagaya na ngayon pati ang buka ng bibig boses, naipapakain sa atin ang mga salita. ini-splice splice lang."

Kaya naman nagbigay babala na si Cristy na maaring isang araw ay maging biktima rin sila nito subalit hindi dapat na agad na maniwala.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube:

Read also

Ogie sa isyu ukol sa EB: "Saka niyo kami sabihang fake news 'pag kinonfirm namin"

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa Pilipinas. Mula noon hanggang ngayon, hatid niya ang maiinit na showbiz balita na talaga namang pinag-uusapan.

Ilan sa kanyang mga aktibong programa ay ang mga YouTube channel niya na Cristy Ferminute at Showbiz Now Na! na pinakaaabangan dahil sa maiinit nilang talakayan nina Rommel Chika at Wendell Alvarez.

Isa sa mga natalakay nila kamakailan ay ang tungkol umano sa It's Showtime na hanggang Disyembre na lamang sa GMA base umano sa kontrata ayon sa kanya umanong reliable source. Paglilinaw ni Cristy, pakwestyon ang paghahatid nila ng napapabalitang ito dahil ngunit kalat na kalat na raw ang usaping ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel