Ogie, nakausap si Carmina ukol sa kanyang mga cryptic post: " Bakit daw siya dinadamay"

Ogie, nakausap si Carmina ukol sa kanyang mga cryptic post: " Bakit daw siya dinadamay"

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang mga pahayag ni Carmina nang mabigyan siya ng pagkakataong makausap ito

- Nilinaw nito ang tungkol sa mga cryptic posts na laging naiuugnay umano sa mga kontrobersiya ng kanyang mga naak

- Maging siya raw ay natataka, bakit siya nadadamay sa mga naging kontrobersiyang kinakaharap ng mga anak

- Si Carmina Villarroel ang ina nina Cassy at Mavi Legaspi na naging matunog ang mga pangalan kamakailan dahil sa mga naiugnay sa kanila noon na sina Darren Espanto at Kyline Alcantara

Sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, naibahagi ni Ogie ang kanyang nasagap nang makausap mismo si Carmina Villarroel.

Ogie, nakausap si Carmina ukol sa kanyang mga cryptic post: " Bakit daw siya dinadamay"
Ogie, nakausap si Carmina ukol sa kanyang mga cryptic post: " Bakit daw siya dinadamay" (@mina_villarroel)
Source: Instagram

Ito ay kaugnay sa mga cryptic post nito na lagi umanong naiuugnay sa mga naging isyu ng kanyang mga anak.

"Ang sabi sa'kin ni Carmina, 'yun na nga na parang nagtataka rin daw siya na bakit pilit na ikinokonek yung mga cryptic post niya yung mga nangyayari sa mga issues sa kanyang mga anak. Wala naman daw kinalaman 'yun. Bakit daw siya dinadamay? E normal naman daw sa kanya yung nagpo-post ng mga cryptic post"

Read also

Dagul, dalawang linggo nang nasa ospital at kailangan umano ng tulong ayon kay Ogie D

Paliwanag pa raw nito, dati na niya itong nagagawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kasi, 'pag meron daw siyang nadadampot sa FB na medyo maganda at worth i-post, pino-post daw niya"

Nagpasalamat din umano ito sa pagdidepensa sa kanya nina Ogie.

"Anyway, siya'y nagpapasalamat sa atin na buti nalang daw e idinepensa natin siya na tama naman daw yung sinabi natin. 'Yun nga yung sinabi ko... walang kinalaman"

Narito ang kabuuan ng kanilang naging talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube:

Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi.

Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ni Carmina ang mga naging kasagutan ng kanyang mister na si Zoren sa ilang mga katanungan. Kabilang na dito ang tungkol sa umano'y pinakapaboritong bahagi nito sa kanilang kasal. Ani Zoren, iyon ay ang paglalakad ni Carmina sa aisle dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman noong mga panahong iyon. Dito na nagsimulang balikan ni Zoren ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding na may kinalaman pala sa ama ni Carmina.

Read also

Diwata sa gumagaya sa negosyo niya: "Im the original, pirated lang kayo"

Isa rin sa mga naitanong noon ni Carmina sa mister ay kung handa na ba ito na magkaroon ng karelasyon ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Aminado si Zoren na hindi pa siya handa at nagbigay pa ito ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya'y nakaugalian kaya maagang namumulat ang mga bata sa pakikipagrelasyon. Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel