Basel Manadil, inubos ang paninda ng isang tindahan para sa mag-anak na tinulungan
- Muli ay marami ang na-inspire at humanga sa pagtulong na ginawa ni Basel Manadil na kilala sa kanyang YouTube channel na The Hungry Syrian Wanderer
- TInungo ni Basel ang lugar kung saan may mga pamilyang nakatira sa malaking tubo na gawa sa bakal na nakatakdang gamitin sa isang construction project
- Personal na pinasok ni Basel ang loob ng tubo para malaman kung gaano kainit sa loob habang tirik ang araw
- Isang sari-sari store naman ang maswerteng napili ni Basel na tulungan sa pamamagitan ng pagbili ng lahat ng paninda nito na kanyang pinamigay sa mga taong nakatira sa malaking tubo na bakal
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naantig, humanga at na-inspire sa panibagong video na ibinahagi ni Basel Manadil sa kanyang YouTube channel.
Kinabiliban si Basel na sa kabila ng pagkakaroon ng dugong banyaga ay may puso para sa mga Pinoy na nangangailangan ng tulong.
Personal na nagtungo ang vlogger sa lugar kung saan nakatira ang ilang mag-anak. Wala silang sariling bahay at sa isang malaking bakal na tubo sila namamalagi.
Napagpasyahan ni BBasel na ipamili ng kanilang pangangailangan ang mag-anak. Ngunit, sa halip na sa malaking grocery store o mall, minabuti ng vlogger na mamili sa maliit na tindahan para matulungan din ang maliliit na negosyante.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang komento ng ilang mga netizens:
Swerte naman ng mga homeless na mga tao at sa may ari ng saisari store .Dalawang klasing tao ang natulungan mo Idol Basil. Kaya maraming blessing sayo arawaraw. Filipinos loves U. More power
Sana ganito na lang din maging content lahat ng mga youtuber,lalo na ung mga millions na ang subscriber..hnd ung puro pinapakita nil ,may mga magagandang bahay na ,may mga bagong sasakyan na,may magandang swimming pool na..
Napaka buti mo always sir Basel. Madami kanang natulungan na kababayan .. sana magawa ko din yan kahit sa kunting paraan.. kaso sa ngayon diko pa kaya... Pangarap makatulong .. lalong lalo na. Sa. Mga kababyan natin.. sobrang salamat sa walang sawang tulong mo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang sa pagbubukas ng taon, inilahad ni Basel ang nangyari sa biglaang pagkawala ng kanyang itinuring na "Abeoji" sa kanyang mga vlogs.
Sa kabila ng nangyari na ito sa kanila ni Mr. Chang, binuksan pa rin niya ang Korean store na Yeoboseyo na ang inspirasyon talaga ay ang kanyang "Abeoji"
Si Mr. Chang pa sana ang mamahala ng store na ito upang sana'y hindi na ito mahirapang maglako sa kalsada subalit sinabing mas pinagkatiwalaan pa umano nito ang isa pang vlogger na si Bobby.
Naging usap-usapan din ang pag-viral ng panloloob sa kanyang restaurant kamakailan. Sa kabila ng pagkahuli nila sa nanloob, hindi na pinakita ni Basel ang mukha ng suspek.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh