Dr. Adam Smith, hinimay ang mga pahayag ni Raffy Tulfo tungkol sa Ivermectin

Dr. Adam Smith, hinimay ang mga pahayag ni Raffy Tulfo tungkol sa Ivermectin

- Matatandaang naging usap-usapan ang matapang na pahayag ni Raffy Tulfo kaugnay sa umano'y anomalyang nagaganap na nakarating sa kanya

- Ito ay sa ilang mga ahensiya ng gobyerno na may kaugnayan sa vaccine at mga gamot na maaring magamit laban sa COVID

- Isang Australian doctor na vlogger ang humimay sa mga binitawang pahayag ni Tulfo kaugnay sa gamot na Ivermectin

- Ang doktor na nakilala sa tawag na Doc Adam Smith ay kadalasang nagbabahagi ng kanyang kaalaman upang itama ang aniya'y maling impormasyon sa internet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang nakilala sa kanyang tapang sa pagtatama ng alam niyang maling impormasyon na naibabahagi sa internet, marami ang hindi na nagulat na maging ang naging pahayag ni Raffy Tulfo ay hinimay ng Australian doctor na si Adam Smith.

Dr. Adam Smith, hinimay ang mga pahayag ni Raffy Tulfo tungkol sa Ivermectin
Bolivia, Santa Cruz: A pharmacist puts ivermectin capsules on the counter (Photo by Rodrigo Urzagasti/picture alliance)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

COVID survivor, ibinahagi ang laban sa virus kasabay ng pumanaw na ama

Matatandaang inihayag ni Tulfo ang tungkols a umano'y nakarating na balita sa kanya tungkol sa ilang anomalya sa kalakaran sa ilang ahensiyang may kaugnayan sa mga gamot at vaccine laban sa COVID-19.

Bilang kilala sa kanyang malasakit sa mga naaapi, marami din ang bumilib sa inihayag ni Tulfo tungkol sa mga anomalya kabilang na ang hindi pag-apruba sa ilang gamot na aniya ay mas mura at maaring makatulong sa mga Pinoy na walang kakayahang magbayad ng malaki.

Ito nga ay ang gamot na Ivermectin. Ayon kay Doc. Adam, dahil wala pang pag-aaral na magpapatunay ng bisa nito kaya ito ay hindi pa inaaprubahan sa maraming mga bansa.

Marami naman sa mga netizens ang nagpasalamat din kay Doc. Adam dahil sa pagiging matapang umano nito na ihayag ang alam niyang tama para maliwanagan ang karamihan.

Ayon pa sa ibang netizens, base sa kanilang pagkakakilala kay Tulfo, marunong umano itong tumanggap ng pagtatama at magpapasalamat pa ito.

Read also

Ama na sinurpresa ng mga anak ng plastik na lobo at itlog na cake, tutulungan ni Tulfo

Kaya naman, marami ang nag-aabang sa magiging tugon ni Tulfo kaugnay dito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate